^

Bansa

Giyera ni Duterte vs droga, korapsyon tuloy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na patuloy na tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maigting na kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian at illegal drugs, gayundin ang pag-agapay sa mga indibidwal at kanilang pamilya na nabiktima nito.

“This is in fulfillment of our President’s promise of tapang at malasakit,” iginiit ng senador.

Sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, binatikos ni Go ang masamang impluwensiya ng iligal na droga sa lipunang Filipino dahil nakasisira ito ng mga pamilya at buhay ng bawat indibidwal.

Ipinunto ng senador na tinutugunan din ng mga awtoridad ang pagtugis sa mga kriminal na responsa-ble sa drug-related crimes.

Nakatutok din aniya ang atensyon ng pamahalaan sa pagtulong o rehabilitasyon at pagbangon ng mga biktima ng illegal drugs.

Kaya nga kabilang sa tinatalakay ng kanyang komite ang Senate Bill No. 399 na kanyang inihain noong 2019 na sumusuporta sa kampanya laban sa illegal drugs sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang drug rehabilitation center sa bawat probinsiya, sa ilalim ng pamamahala ng Department of Health.

Idiniin ni Go na ang bawat indibidwal na gumon sa droga ay itinutu-ring na biktima ng drug criminals, sindikato at mga oportunista na dapat panagutin ng batas.

KORAPSYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with