‘Face-to-face’ classes unti-untiin na!

Matatandaan na binawi ni Pangulong Duterte noong Disyembre ang balak na pagbabalik ng face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa na dapat ay sinimulan na noong nakaraang buwan.
The STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian na magsagawa na ng ‘face-to-face classes’ sa mahigit 400 lugar sa bansa na wala ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Gatchalian, dapat na pag-aralan na ng mga kinauukulang ahensiya sa sector ng edukasyon ang dahan-dahang pagbubukas muli ng mga eskwelahan.

Bukod dito, may ginawa rin umanong pagbabago sa COVID-19 protocols ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Paliwanag pa ng Senador na sa 1,500 Local Government Units (LGUs) ay 400 dito ang zero COVID at ilan dito ay hindi pa nagkaroon ng kaso ng virus dahil nasa malalayo silang lugar , isla at itinuturing na ‘low risk” , kaya dapat na buksan na ang mga eskwelahan dito.

Dapat din umanong ikonsidera na ng Department of Education (DepEd) ang unti-unting pagbabalik sa eskwelahan ng mga mag -aaral o ang 50% operation ng mga classroom.

Paliwanag pa ni Gat­chalian, dapat mag-ekspe­rimento dahil hindi naman ito nagawa sa kasaysayan ng bansa kaya dapat magsagawa muna ng eksperimento para sa ‘face-to-face’ classes.

Matatandaan na binawi ni Pangulong Duterte noong Disyembre ang balak na pagbabalik ng face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa  na dapat ay sinimulan na noong nakaraang buwan.

Show comments