^

Bansa

Online wedding pinalagan ng Simbahan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Online wedding pinalagan ng Simbahan
Layon ng House Bill No. 7042 ni Rep. Ron Salo na amyendahan ang Family Code para kilalanin na legal o may bisa sa batas ang virtual weddings.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon

MANILA, Philippines — Tinutulan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang panukala sa Kongreso na gawing legal ang mga tinatawag na ‘virtual nuptials’ o pagpapakasal sa pamamagitan ng internet ngayong magkakahiwalay ang mga magkasintahan dahil sa pandemya.

Nangangamba ang simbahan na lalong darami ang mga pekeng kasal dahil sa pagsasamantala ng mga manloloko.

“It’s going to pose a lot of risks also, kapag halimbawang matuloy ‘yan, baka makakuha tayo ng mga kasal na hao shao, lalo natin dito guguluhin ang sanctity ng pamilya,” ayon kay  Fr. Jerome Secillano, executive director ng CBCP Public Affairs Committee.

Layon ng House Bill No. 7042 ni Rep. Ron Salo na amyendahan ang Family Code para kilalanin na legal o may bisa sa batas ang virtual weddings.

Ngunit para kay Fr. Secillano, hindi sapat ang restriksyon sa mga simbahan bunsod ng mga protocols ng pamahalaan para magpasa ng naturang batas.  Mawawalang-silbi na rin kung maipapasa ang panukala sa oras na maging normal na ang kundisyon.

Iginiit ni Secillano na ang ritwal sa simbahan ay pinoprotektahan ang kabanalan at dignidad ng sakramento ng kasal.

WEDDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->