^

Bansa

ABS-CBN franchise renewal 'next Congress na lang,' giit ni Velasco

Philstar.com
ABS-CBN franchise renewal 'next Congress na lang,' giit ni Velasco
Kuha sa labas ng tanggapan ng ABS-CBN sa Quezon City
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Baka hindi na muna lumusot ngayong 18th Congress ang mga tangkang mabigyan uli ng prangkisa ang Kapamilya Network, pagkukumpirma ni House Speaker Lord Alan Velasco, Huwebes.

Ito ang sabi ng pamunuan ng Kamara ilang araw matapos ang mga birada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ABS-CBN nitong Lunes.

May kinalaman: Senador kay Duterte: ABS-CBN walang tax liability, dapat umere kung magkakaprangkisa

"With a little over a year until the 2022 elections, the House of Representatives is bent on finishing the remaining priority measures of this administration to ensure that President Rodrigo Roa Duterte fulfills his campaign promise to the Filipino people," ani Velasco sa isang pahayag kanina.

Sa ngayon, mas mainam daw kasi na unahing maipasa ng Konggreso ang ikatlong stimulus bill (Bayanihan 3) na kanyang iniakda kasama si Marikina Rep. Stella Qiumbo, sampu ng iba pang measures na bubuhay uli sa ekonomiya matapos itong pinsalain ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ilang araw pa lang nang sabihin ni Digong na hindi niya pahihintulutan ang National Telecommunications Commission (NTC) na bigyan ng license to operate ang ABS-CBN kahit na pumasa pa sa lehislatura ang bagong bagong legislative franchise.

Aniya, dapat ay "bayaran muna ng pamilyang Lopez ang kanilang mga buwis," kahit una na silang inabswelto rito ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

"Ang Congress is planning to restore the franchise of the Lopez. Wala akong problema doon kung i-restore ninyo. But if you say that if they can operate kung may — may ano na sila, no, I will not allow them," sabi ni Duterte noong ika-8 ng Pebrero.

Taong 2018 din nang sabihin ni Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng media giant matapos hindi maiere ang ilan niyang patalastas noong tumatakbo pa lang sa pagkapangulo noong 2016.

Ilan sa mga nagtutulak ng pagbabalik ng ABS-CBN ang mga mambabatas na dati na ring naging bahagi ng showbiz industry, gaya na lang nina Batangas Rep. Vilma Santos at Senate President Vicente "Tito" Sotto III.

'Kamara extension lang ng opisina ni Duterte'

Kinastigo naman ng ilang labor groups ang pahayag ni Velasco ngayong araw, bagay na nagpapatunay lang daw na parang bahagi na lang ng tanggapan ng pangulo ang Mababang Kapulungan.

"We will never forget. With less than a year from now, our congressmen, senators and minions of the administration still have time to rethink their position or else bid farewell to their political ambitions next year," ani Christian Lloyd Magsoy, spokesperson ng Defend Jobs Philippines.

"Velasco’s pronouncement today only proves that the Lower House is an extension office of the Executive."

NEWS: Speaker Velasco’s outright dismissal of ABS-CBN franchise bills proves Lower House is Executive’s extension...

Posted by Defend Jobs Philippines on Wednesday, February 10, 2021

Wika niya, kung totoo ang sinasabi ni Velasco, kung totoong inuuna ng lehislatura ang mga prayoridad ni Duterte ay sana'y matagal na raw naipatupad ang mga pangako ng pangulo noong siya'y tumatakbo pa lang gaya ng pagtatapos sa lahat ng uri ng kontraktwalisasyon.

Pagtalikod din ito aniya sa libu-libong manggagawang nawalan ng trabaho matapos mawala sa ere ang network, pati na ang mga pamilyang umaasa sa kanila. Inaagawan din daw nito ang ng impormasyon at entertainment ang mga nasa malalayong probinsya na tanging ABS-CBN lang ang nakakaabot.

Matatandang umaasa si Deputy Speaker Lito Atienza, isang kaalyado ni Velasdo, na mare-renew ang prangkisa ng network matapos matanggal sa pagiging speaker ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

"I am just relying on the character of the new speaker. He’s not the type who would double cross and double talk and deal with everybody," saad ni Atienza noong Enero. — James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

ABS-CBN

DEFEND JOBS PHILIPPINES

LEGISLATIVE FRANCHISE

LORD ALLAN VELASCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with