Doble bilis booster ng ‘GAH’ modem sakto sa online learning

MANILA, Philippines — Napakahalagang konektado ang mga Pinoy nga­yong ‘new normal’ kaya malaki ang maitutulong dito ng Globe At Home (GAH) Prepaid WiFi.

Ayon kay Darius Delgado, VP for Broadband Business ng Globe, ang GAH Prepaid WiFi ay tamang-tama sa online learning na isa sa mga paraan ng pagtuturo at pag-aaral ng mga estudyante sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Mainam din ang GAH Prepaid WiFi sa mga nagtatrabaho sa pamamagitan ng work from home set-up at sa mga may online negosyo.

Bukod sa regular na GAH Prepaid WiFi modem, mayroon na ring GAH Prepaid WiFi LTE-Advanced modem — ang pinakamabilis na prepaid modem ngayon ng Globe dahil sa “Doble-Bilis Boosters” nito, na ibig sabihin ay mas mabilis kumpara sa kahit anong lumang prepaid modem ng Globe.

Sulit din ang GAH Prepaid WiFi LTE-Advanced dahil pagkabili mo pa lang ay may libreng 10GB data na ito. Sa halagang P1,999 ay kaya nitong suportahan hanggang anim na mobile device o gadget kahit sabay-sabay gamitin. 

Show comments