^

Bansa

Walang baboy 'sa lahat ng palengke sa Maynila' bunga ng NCR price cap

James Relativo - Philstar.com
Walang baboy 'sa lahat ng palengke sa Maynila'  bunga ng NCR price cap
Walang ibinebentang karne ng baboy at manok sa mga pamihilang ito sa Blumentritt Market, Mayila, ika-8 ng Pebrero, 2021
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Walang mabibiling karne ng baboy ang mga pampublikong palengke sa kabisera ng Pilipinas ngayong unang araw ng pagkontrol ng presyo nito, pagkukumpirma ng Manila Public Information Office.

Ngayong ika-8 ng Pebrero kasi ay pagbabawalan na sa Metro Manila ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng pigue ng baboy higit sa P270/kilo, liempo na higit sa P300/kilo at dressed chicken na lampas 160/kilo.

Ilang linggo na kasing naglalaro sa higit P400/kilo ang presyo ng iba't ibang pork products, bunsod na rin ng problema sa suplay sanhi ng paglaganap ng African swine fever (ASF).

Basahin: 'Price ceiling' sa mga produktong baboy, manok ipinatupad sa Kamaynilaan

"Yes po, all 17 public markets po ng Manila [nag-'pork holiday'] according to Manila Market Administration Office director Zenaida Mapoy," wika ni Julius Leonen, hepe ng MPIO, Lunes.

"Although may mga meat vendor po na nagtinda sa umaga sa San Andres Market and Quinta Market, pinaubos lang po nila yung remaining stock nila and then nag-holiday din po."

Dagdag pa ni Leonen, kakausapin ng Manila Market Administration Office ang iba't ibang nagtitinda sa mga palengke kung itutuloy nila ang pagkakasa ng nasabing "holiday" hanggang bukas.

Una nang nagpahiwatig ng "pork holiday" ang ilang manininda dahil na rin sa 60-day price cap na itinakda ng Executive Order 124 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabila niyan, kapansin-pansin namang nagbebenta pa rin ng baboy at manok ang ilang tindero't tindera sa Balintawak Market sa Lungsod ng Quezon.

Some stalls inside the Balintawak Market in Quezon City continue to sell pork and chicken despite the call of consumer...

Posted by Philippine Star on Sunday, February 7, 2021

Pagbebenta ng baboy dapat ituloy — Palasyo

Bagama't suportado ng Malacañang na maggulay muna ang mga tao o kumain ng alternative protein sources ang mga tao, nakikiusap naman sila sa mga nagtitinda na ituloy pa rin ang pagbebenta ng karne ng baboy sa merkado.

"Sana po ay ipagpatuloy ninyo ang pagtitinda ng baboy," sambit ni presidential spokesperson Harry Roque kanina sa isang press briefing.

"Ano naman po ang ginagawa ng gobyerno? ... Mag-aangkat muna po tayo ng mga baboy galing sa Mindanao, sa Visayas at ibang parte ng Luzon na walang ASF."

Sa ilang swine producers daw sa South Cotabato, napapayag daw ng pamahalaan na mag-suplay sila ng 10,000 heads of hogs linggo-linggo sa Metro Manila.

Aniya, gobyerno na ang mag-aangkat nito at magpapakalat sa merkado. Higit din daw mas mura ang baboy sa mga nasabing lugar na nasa P145/kilo.

Estado na rin daw ang bahalang magbigay ng transportation subsidy para sa mga manggagaling sa probinsya.

P100 'wage relief'

Nananawagan naman ngayon ang Defend Jobs Philippines ng P100 emergency wage relief sa buong Pilipinas dahil na rin sa na rin pagtaas ng mga bilihin, na nataon pa ngayong may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Umabot kasi sa 4.2% ang inflation rate nitong Enero 2021, na pinakamataas sa nakalipas na dalawang taon.

May kinalaman: Inflation noong Enero pinakamataas sa 2 taon, presyo ng baboy nasisi

"The Filipino working class has been suffering enough with the effects of the diminishing value of their hard-earned salaries due to the uncontrollable spikes of prices of basic goods and services in the local market. It is high time for the government to implement wage increase," ani Christian Lloyd Magsoy, spokesperson ng grupo.

"Apart from the workers’ call for wage hike, the government is expected to be true to generate more jobs as millions of Filipinos loss their sources of income due to the massive retrenchment and termination of work due to the pandemic."

NEWS: Labor group demands P100 emergency wage relief across-the-board increase amid soaring prices, pandemic As prices...

Posted by Defend Jobs Philippines on Sunday, February 7, 2021

Maliban diyan, magandang mabigyan anya ng subsidyo ang mga micro, small and medium enterprises para naman matugunan nila ang wage increase ng kani-kanilang manggagawa.

Sabi pa ng Defend Jobs, ang kasalukuyang P537 minimum wage sa National Capital Region ay nawalan na raw katumbas na P100 kung "real value" ang pag-uusapan dahil na rin sa nagtataasang mga bilihin.

Ang NCR ang may pinakamataas na minimum wage sa bansa, habang lubos 'yang mas mababa sa ibang parte ng Pilipinas, gaya ng lang ng Ilocos Region kung saan P282-P340 lang ito kada araw.

MANILA PUBLIC INFORMATION OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with