DepEd, pinagpapaliwanag sa ‘Igorot’ module
MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag ni Benguet Caretaker at ACT-CIS Cong. Eric Yap ang Department of Education (DepEd) hinggil sa isang topic sa module nito tungkol sa mga Igorot.
“Bakit kailangang gawing halimbawa ang hitsura ng pananamit o kultura ng mga Igorot o ng isang tribu?”, tanong ni Yap sa DepEd.
Ang tinutukoy ng mambabatas ay ang kumalat sa online ngayon na tila insulto sa mga Igorot.
Ang tanong kasi sa mag-aaral, “Nakita mong tinutukso ng kaklase mo ang isang batang Igorot dahil sa kanyang anyo. Ano ang iyong gagawin?”
“Tila malaking isyu na pala ngayon ang anyo o pananamit ng tao para sa DepEd?” ani Yap.
Lalong hindi nagustuhan ng mambabatas ang isa pang tanong sa module na, “Makikipaglaro ka ba sa kaklase na Igorot dahil iba ang kanyang pananamit?”
Tanong ni Yap, bakit kailangang turuan ang mga bata na may mga kababayan tayo na iba ang anyo o kultura.
“Let us not teach them about discrimination,” dagdag pa ng Benguet caretaker.
- Latest