TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Walo pang kaso ng mas peligrosong UK variant ng COVID-19 ang kinumpirma sa huling resulta ng pagsusuring isinagawa ng Philippine Genome Center (PGC).
Sa pahayag ng Department of Health, ang lima ay kabilang sa walong bagong kaso ng UK variant o B.1.1 7 variant na umakyat na sa bilang na 25 mula noong Enero.
Lima sa mga bagong kaso ay mula sa Bontoc, Mountain Province na una nang nakapagtala ng 12 habang dalawa ang dumagdag sa La Trinidad, Benguet na may dati nang isang kaso.
Ang tatlo pang bagong kaso ng UK variant ay mula sa Cebu. Dalawa sa kanila ay pawang mga umuwing OFW na nakarekober na.
Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng awtoridad ng Biosurveillance activities upang matukoy ang posibleng pinanggalingan ng COVID-19 variant sa bansa nang masawata ang pagkalat nito.