^

Bansa

Inflation noong Enero pinakamataas sa 2 taon, presyo ng baboy nasisi

James Relativo - Philstar.com
Inflation noong Enero pinakamataas sa 2 taon, presyo ng baboy nasisi
Sa undated photo na ito, makikitang nagbebenta ng karne ang lalaking ito sa palengke sa gitna ng COVID-19 pandemic
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Muling pumanik ang headline inflation pra sa Enero 2021 matapos ang mga naitalang pagsipa sa presyo ng mga bilihin, lalo na sa pagdating sa pagkain, ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA).

"Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa ay tumaas sa antas na 4.2% nitong buwan ng Enero 2021," sabi ng PSA, Miyerkules.

Ito ang pinakamataas na inflation na naitala sa bansa mula noong January 2019 nang pumalo ito sa 4.4%.

Ang mga datos na ito ay labis-labis kumpara sa inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na una na itong tinantya sa 3.3-4.1%. Lagpas din ito sa target nitong 2-4% ngayong taon.

Pinakamalaki ang naiambag ng mga produkto gaya ng pagkain at inuming hindi nakalalasing sa pagsipa ng buwanang tantos ng inflation noong nakaraang buwan.

Ilang linggo pa lang ang nakalilipas nang maitala ang matitinding pagsipa sa presyo ng karne ng baboy, bagay na naglalaro ngayon sa P390-P400/kilo pagdating sa liempo at P350-P370 pagdating sa kasim, ayon sa price monitoring ng Department of Agriculture noong Huwebes.

Basahin: Dagdag sahod, 'price control' ipinanawagan ngayong baboy 400/kilo

"Ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng karne, partikular ang baboy, na may mas mataas na inflation sa antas na 17.1% sa buwan ng Enero 2021," patuloy ng PSA sa kanilang pahayag.

"Ang isa pang dahilan ay ang pagtaas ng presyo ng gulay, gaya kamatis, sa antas na 21.2%. Ang presyo ng prutas, gaya ng saging at mangga, ay tumaas din sa bilis na 9.0 percent."

Nakaapekto nang husto ang African swine fever pagdating sa mga suplay ng karneng baboy, na siyang nakaapekto sa mga presyo.

Ang inflation sa National Capital Region (NCR) ay 4.3%, habang sa Cagayan Valley ito ay nasa 8%, bagay na galing sa 6.6% noong Disyembre 2020. Pinakamababa naman ang mga bilang sa Zamboanga Peninsula na may 0.2% inflation.

Dahil sa mga nakalululang presyo, nakialam na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng kanyang Executive Order 124, s. 2020, bagay na nagbibigay ng hangganan pagdating sa presyo ng karne ng baboy at manok sa Metro Manila simula ika-8 ng Pebrero sa loob ng 60 na araw.

Una nang nagutos ng crackdown si Duterte laban sa mga hoarder at nagsasamantala sa presyo ng karne para na rin maapula ang aniya'y pagmamanipula sa presyo ng bilihin.

"Hindi na po pupwedeng ibenta ang baboy, ang pigue, na higit pa sa P270/kilo. Ang liempo hindi pupwedeng ibenta nang mas mataas pa sa P300/kilo at ang dressed chicken ay hindi po pu-pwedeng ibenta nang [higit sa] P160/kilo," ayon kay presidential spokesperson Harry Roque sa isang statement, ika-1 ng Pebrero.

HARRY ROQUE

INFLATION

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

PORK

RODRIGO DUTERTE

VEGETABLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with