P400 bilyon nawala sa turismo ng Pinas
MANILA, Philippines — Aabot sa P400 bilyon ang nawala sa kinikita sa turismo ng Pilipinas dahil sa COVID 19 pandemic.
Sinabi ni Undersecretary Roberto Alabado III, Officer-in-Charge (OIC) ng Department of Tou-rism, 8.3-M dayuhang turista ang bumisita sa Pilipinas noong 2019 pero dahil sa travel restrictions ay bumagsak ang turismo sa 82% nitong 2020 o 1.3-M dayuhang turista na nagtungo sa bansa.
Ang insidente, ayon pa kay Alabado ay nakaapekto sa 5.7-M trabaho sa industriya ng turismo sa buong bansa.
Nasa 12.7% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ay mula sa sektor ng turismo.
Sa kasalukuyan, unti-unting bumabangon ang sektor ng turismo pero limitado lamang ito sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ). May ginagawa na ring hakbang ang kanilang tanggapan para makabawi.
- Latest