Price ceiling sa baboy at manok ipatutupad sa Pebrero 8 – DA
MANILA, Philippines — Magsisimula sa susunod na linggo ang implementasyon ng 60-day price ceiling sa mga produktong baboy at manok sa Metro Manila.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, simula Pebrero 8 ay epektibo na ang price ceiling sa naturang mga agri products na dapat sundin ng lahat ng stakeholders.
Una nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 124 na nagtatakda ng 60 araw price freeze sa baboy at manok.
Sa ilalim ng kautusan, hindi na tataas pa ang halaga ng kasim at pigue sa halagang P270 kada kilo at P300 kada kilo ng liempo at P160 kada kilo ng karne ng manok.
- Latest