^

Bansa

'Price ceiling' sa mga produktong baboy, manok ipinatupad sa Kamaynilaan

James Relativo - Philstar.com
'Price ceiling' sa mga produktong baboy, manok ipinatupad sa Kamaynilaan
Sa undated file photo na ito, makikitang nagtatadtad ng karne ang lalaking ito habang nagbebenta sa isang palengke
The STAR, File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Palasyo ang pagtatakda ng hangganan sa pagpepresyo ng ilang produktong baboy at manok sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng pagsirit nito buhat ng African swine fever (ASF) na nakaapekto sa suplay ng karne sa Pilipinas.

Una nang humiling ng "price control" at dagdag sahod ang mga manggagawa't Department of Agriculture matapos umabot sa P400/kilo ang baboy nitong Enero sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Basahin: Dagdag sahod, 'price control' ipinanawagan ngayong baboy 400/kilo

May kaugnayan: DA seeks price ceiling on pork products

"Naprirmahan na po ng ating presidente ang Executive Order 124. Ito po ay nagpapataw ng price ceiling sa mga produktong baboy at manok," ani presidential spokespeson Harry Roque sa isang briefing, Lunes.

"Hindi na po pupwedeng ibenta ang baboy, ang pigue, na higit pa sa P270/kilo. Ang liempo hindi pupwedeng ibenta nang mas mataas pa sa P300/kilo at ang dressed chicken ay hindi po pu-pwedeng ibenta nang [higit sa] P160/kilo."

Ang kautusan ay epektibo sa loob ng 60 na araw matapos maisapubliko sa mga peryodiko at Official Gazette, maliban kung palalawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos irekomenda ng DA.

Haharap naman sa mga parusa ang sinumang lalabag sa naturang kautusan ni Digong, paliwanag ni Roque.

"'Yung mga hindi po susunod, meron pong ipapataw na parusa kasama po ang pagsasarado ng mga pwesto. So kung gusto niyo pong manatiling magnegosyo... ng baboy at manok, sumunod po tayo sa price ceiling," dagdag ng tagapagsalita ng presidente.

"Sa panahon ng pandemya, kailangan naman pong magbayanihan po tayong lahat."

Nangyari ang mga pagsirit sa presyo ngayong nalulugmok ang ekonomiya ng Pilipinas. Umabot kasi sa 9.5% ang ibinansot ng gross domestic product (GDP) ng bansa nitong 2020 dahil na rin sa tama ng mahahabang COVID-19 lockdowns at serye ng mga sakuna.

Itinuturing itong pinakamalaking pagbulusok sa economic output ng Pilipinas simula nang mag-record ng GDP data ang bansa noong 1946 — bagay na sinundan ng 7% contraction noong 1984 sa ilalim ng diktadurya ni Ferdinand Marcos.

Wala pa namang balita kung magpapatupad din ng kahalintulad na EO sa mga lugar na nasa labas ng Metro Manila.

Sa huling inilathalang price monitoring ng DA nitong Biyernes, umaboty sa P400 hanggang P440 ang presyo ng kilo ng liempo, habang P170 hanggang P200 ang whole dressed chicken. — may mga ulat mula sa News5

AFRICAN SWINE FEVER

CHICKEN

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

HARRY ROQUE

NOVEL CORONAVIRUS

PORK

PRICE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with