ABS-CBN franchise sa susunod na Kongreso na lang – solon
MANILA, Philippines — Ipaubaya na lang sa susunod na Kongreso ang pagtalakay sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN, ayon kay House committee on legislative franchises chair Franz Alvarez.
Nangangahulugan ang pahayag ni Alvarez na sa susunod na administrasyon na maaaring buhaying muli ang franchise renewal ng ABS-CBN at hindi sa ilalim ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Based on my understanding from the House leadership, the ABS-CBN franchise issue is best left to the next Congress,” pahayag ni Alvarez.
Nitong nakaraang linggo, naghain sa Kamara ng parehas na resolusyon si Deputy Speaker Vilma Santos-Recto upang pagkalooban ng 25 taong prangkisa ang naturang broadcast network habang si Senate President Vicente Sotto III sa Senado.
Ang panukalang batas ni Recto ay ibinigay sa House committee on legislative franchises.
- Latest