^

Bansa

Freelance Workers Bill, pasado na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa milyong ‘work-from-home workers’ o freelancers kabilang na ang mga content writers, artists at wedding planners ang mabibigyang proteksyon matapos pumasa sa Kamara ang Freelance Workers Bill.

Sinabi ni 2nd District Albay Rep. Joey  Salceda, Chairman ng House Ways and Means Committee at pangunahing may-akda ng House Bill 1527, o “An Act Protecting Freelance Workers in the Gig Economy Sector”, layon ng panukala na magbigay proteksyon sa interest ng mga freelancers na inaagrabyado ng mga kumuha sa kanilang serbis­yo tulad ng hindi pagbabayad sa kanilang trabaho.

Sa ilalim ng HB 1527, labag sa batas ang hindi pagbayad sa mga ‘freelancers’ sa serbisyo nila sa loob ng 15 araw lampas sa isinasaad sa nilagdaan nilang kasunduan, o pagkatapos ng kanilang serbisyo kung walang pormal na kontrata. Maaari ring maghabla ang nadedehado o naaapi.Ayon kay Salceda, kailangan ang naturang batas dahil sa ilalim ng Labor Code, hindi kasama ang ‘freelancing’ at walang pormal na balangkas para sa kanila na ang bilang ay umaabot na sa 1.5 milyon bago pa ang pandemya.

“Milyun-milyong Pilipino na ang nabubuhay sa ‘freelan­cing’ matapos mawalan sila ng trabaho dahil sa pandemya na inaasahang higit pang dadami habang sumusulong ang ‘digital technology’ at dahil dito’y nangangailangan ang mga ito ng proteksyon laban sa mga mapagsamantala,” wika pa ng solon.

GIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with