MANILA, Philippines — Ini-report ng Department of Health (DOH) ang 1,173 na sariwang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Martes, dahilan para umarangkada ito pataas sa 516,116.
Nasa 30,357 pa rin diyan ang "aktibong kaso" o yaong mga nagpapagaling pa sa ngayon mula sa virus.
Samantala, 94 naman ang bagong talang patay dahilan para umabot sa 10,386 ang total domestic deaths ng COVID-19. Pumalo naman na sa 475,423 ang gumagaling dito sa mgayon.
Lugar na may pinakamalaking bagong kaso
- Cebu City, 84 (Modified General Community Quarantine)
- Davao City, 67 (General Community Quarantine)
- Cavite, 51 (MGCQ)
- Quezon City, 47 (GCQ)
- Rizal, 41 (MGCQ)
Anong bago ngayong araw?
Kanina lang nang ilathala ng publiko ng gobyerno ang mga rehiyong nagpapakita ng "increased growth" sa COVID-19 cases. Kasama riyan ang:
- National Capital Region
- Ilocos Region
- Cagayan Valley
- Central Luzon
- CALABARZON
- Central Visayas
- Eastern Visayas
- Zamboanga Peninsula
- Northern Mindanao
- Davao Region
- CARAGA
Bukod pa riyan, "high risk" naman daw ang sumusunod na area kung average daily attack rate ang titignan:
- Kalinga
- Mountain Province
- Baguio City
- Benguet
- Dagupan City
LOOK: Areas with increasing COVID-19 infections @PhilippineStar @PhilstarNews pic.twitter.com/1InQ1NWwKp
— Alexis B. Romero (@alexisbromero) January 26, 2021
"Kapag umabot na [sa critcal health care capacity level ang Cordillera at Davao Region], it will be a factor in escalating the [quarantine] classification in these two areas," ani presidential spokesperson Harry Roque kanina.
Umaabot na sa halos 98.9 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, 2.12 milyon na ang binabawian ng buhay. — may mga ulat mula kina Xave Gregorio at The STAR/Alexis Romero