^

Bansa

Kaso ng COVID-19 sa bansa higit 516,100; new cases nasa 1,173

James Relativo - Philstar.com
Kaso ng COVID-19 sa bansa higit 516,100; new cases nasa 1,173
Kita sa larawang ito ang mga residente ng Barangay Marana 2nd, City of Ilagan habang naghihintay ng ayuda, ika-16 ng Nobyembre, 2020
Released/Isabela PIO

MANILA, Philippines — Ini-report ng Department of Health (DOH) ang 1,173 na sariwang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Martes, dahilan para umarangkada ito pataas sa 516,116.

Nasa 30,357 pa rin diyan ang "aktibong kaso" o yaong mga nagpapagaling pa sa ngayon mula sa virus.

Samantala, 94 naman ang bagong talang patay dahilan para umabot sa 10,386 ang total domestic deaths ng COVID-19. Pumalo naman na sa 475,423 ang gumagaling dito sa mgayon.

Lugar na may pinakamalaking bagong kaso

  • Cebu City, 84 (Modified General Community Quarantine)
  • Davao City, 67 (General Community Quarantine)
  • Cavite, 51 (MGCQ)
  • Quezon City, 47 (GCQ)
  • Rizal, 41 (MGCQ)

Anong bago ngayong araw?

Kanina lang nang ilathala ng publiko ng gobyerno ang mga rehiyong nagpapakita ng "increased growth" sa COVID-19 cases. Kasama riyan ang:

  • National Capital Region
  • Ilocos Region
  • Cagayan Valley
  • Central Luzon
  • CALABARZON
  • Central Visayas
  • Eastern Visayas
  • Zamboanga Peninsula
  • Northern Mindanao
  • Davao Region
  • CARAGA

Bukod pa riyan, "high risk" naman daw ang sumusunod na area kung average daily attack rate ang titignan:

  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Baguio City
  • Benguet
  • Dagupan City

"Kapag umabot na [sa critcal health care capacity level ang Cordillera at Davao Region], it will be a factor in escalating the [quarantine] classification in these two areas," ani presidential spokesperson Harry Roque kanina.

Umaabot na sa halos 98.9 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, 2.12 milyon na ang binabawian ng buhay. — may mga ulat mula kina Xave Gregorio at The STAR/Alexis Romero

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with