^

Bansa

313 pesante 'patay sa ilalim ni Duterte' ngayong ika-34 taon ng Mendiola Massacre

Philstar.com
313 pesante 'patay sa ilalim ni Duterte' ngayong ika-34 taon ng Mendiola Massacre
Protesta ng iba't ibang grupong magsasaka, ika-22 ng Enero, 2021, sa ika-34 taong paggunita sa Mendiola Massacre, bagay na ikinamatay ng 13 katao taong 1987
Released/Pamalakaya

MANILA, Philippines — Patuloy na humihingi ng katarungan ang sari-saring sektor ngayong araw sa malagim na sinapit ng lagpas isang dosenang magsasaka 34 taon na ang nakalilipas — bagay na hindi pa rin daw natatapos ngayong daan-daan na ang patay na pesante sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ika-22 ng Enero, 1987 nang mapatay ang nasa 13 magsasakang nagmartsa pa-Malacañang para sa repormang agraryo sa ilalim ni dating Pangulong Corazon Aquino. Pero maliit pa 'yan kumpara sa 313 patay na land defenders sa nakalipas na limang taon, ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

"Duterte can easily surpass the gruesome record of previous administrations in terms of peasant killings and massacres. Farmers, regard him as the 'Massacre King' — a tyrant that deserves to be ousted from power," ani Danilo Ramos, chairperson ng KMP, Biyernes.

"Then and now, the situation of farmers remain unchanged. Poor farmers remain landless, and subjected to social injustices."

Ito raw ang lumalabas sa kanilang datos kung bibilangin ang 22 masaker na may 107 biktima, karamihan kinabibilangan ng mga katutubo at magbubukid na "nagtatanggol sa karapatan sa lupa."

Kung hihimayin ang death toll, karamihan aniya ay nangyari sa Negros, Bikol at Mindanao kung saan ipinatutupad ang Memorandum Order 32 at martial law. Pinakahuli riyan ay ang serye ng pagpatay na ikinayao ng siyam na katutubong Tumandok sa Tapaz, Capiz.

Basahin: ‘IP leaders, not Reds killed in Capiz raids’

May kinalaman: CHR launches probe into killings of Tumandok leaders in Panay raids

Una nang iginiit ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Western Visayas na rebeldeng New People's Army ang siyam na napatay sa Tapaz, bagay na nanlaban aniya sa kapulisang "naghain ng search warrants" para sa diumano'y illegal possession ng baril at pampasabog.

"Tingnan natin sa korte, [kasuhan niyo kami]. Yung korte ang mag-de-determine," ani Brig. Gen. Rolando Miranda, Western visayas police director, sa ulat ng The STAR.

Nangyayari ang lahat nito matapos maipatupad ang Anti-Terrorism Act of 2020, bagay na gagamitin daw ng gobyerno para tugisin ang mga "terorista" gaya ng NPA. Pero kung tatanungin ang mga kritiko, nagagamit pa nga ito para targetin aniya ang mga bumabatikos sa mga polisiya ng pamahalaan.

Sa kabila ng lahat ng ito, 91% at tumaas pa nga ang huling approval rating ni Duterte, ayon sa Pulse Asia noong Oktubre 2020.

Basahin: Dagdag sahod? 'I-balanse sa katotohanan,' ani Roque, habang pagkain nagmamahalan

"Walang ibang pagpipilian ang kababaihang magbubukid kundi ang patuloy na lumaban at igiit ang karapatan sa lupa at kabuhayan," dagdag ni Zenaida Soriano, survivor ng Mendiola Massacre at chairperson ng Amihan National Federation of Peasant Women.

"Kailangang tumindig ang kababaihang magbubukid at makipagkaisa sa iba’t ibang sektor upang panagutin at patalsikin sa pwesto ang ‘Massacre King’ na si Duterte na siyang pasimuno ng tumitinding kahirapan, kawalang lupa at pasismo laban sa pamilyang magbubukid at sa mamamayan." — James Relativo

AMIHAN

CORAZON AQUINO

HUMAN RIGHTS

KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS

MENDIOLA MASSACRE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with