^

Bansa

Dagdag sahod? 'I-balanse sa katotohanan,' ani Roque, habang pagkain nagmamahalan

James Relativo - Philstar.com
Dagdag sahod? 'I-balanse sa katotohanan,' ani Roque, habang pagkain nagmamahalan
Sa undated photo na ito, makikitang namimili ng sari-saring karne sa isang palengke ang mga consumer habang nakasuot ng face mask sa gitna ng COVID-19 pandemic
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kung ang Malacañang ang tatanungin, wala naman daw masama mag-asam ng umento sa sahod ang mga manggagawa ngayon sa gitna ng nagtataasan na presyo ng pagkain — pero dapat maging lapat sa lupa ang publiko.

Ito ang ipinaalala ni presidential spokesperson Harry Roque, Huwebes, ngayong P400/kilo ang baboy (pork belly), P800/kilo ang siling labuyo at P100/kilo ang pulang sibuyas at bawang.

"Kinakailangang balansehin natin 'yan sa katotohanan," banggit ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang media briefing, Huwebes.

"Because nga of the [COVID-19] pandemic, eh napakarami nga ring mga negosyo ang nahihirapan o kung hindi tuluyan nang nagsara."

'Saan aabot ang 537 mo?'

Ayon sa National Wages and Productivity Commission, P500-P537 ang minimum na pasahod sa Kamaynilaan — ang pinakamataas sa buong Pilipinas.

Ang P537 na 'yan, sinubukan kanina ni KMU secretary general Jerome Adonis sa Nepa-Q Mart, Quezon City kung sasapat sa mga gastusin kada araw.

Ito ang inabot ng kanyang pamamalengke:

  • 2 kilo bigas - P86
  • 1/2 kilo paa ng manok - P65
  • 1/2 kilo maliit na galunggong - P80
  • 5 pirasong maliit na itlog - P25
  • 3 pirasong talong - P35
  • 4 pirasong sili - P10
  • panggisa (luya, bawang, sibuyas) - P39
  • suka - P25
  • toyo - P6
  • paminta - P5
  • asin - P5
  • mantika - P20
  • tumpok ng saging - P20
  • 5 ponkan - P50
  • pamasahe - P58 (P40 sa tricycle, P18 sa jeep)

Nasa P8 nalang daw ang natira kay Adonis, na kanyang pagkakasyahin pambili ng gas at tubig pangluto. Wala pa riyan ang bayad sa upa, kuryente, tubig at internet kung may nag-aaral na anak.

"Napakatagal na panahon - pinandemya, binagyo at pinapatay na tayo ni Duterte, pero ang sahod ng manggagawa nakapako. Panawagan namin - pabilisin ang pag-apruba sa umento nang makabili kami ng mga kailangan namin. Dapat lang na kalingain ng gobyerno ang manggagawa kung gusto nitong bumangon ang bansa," ani Adonis sa isang statement.

"Ginagawa na nga lang biro na wag na daw mag-ulam pero sa totoo lang, napakasakit nito para sa manggagawa!"

National minimum wage bill nakatengga

Planong maghain ng panibagong wage petition ng KMU lalo na't kailangan na raw ito sa gitna ng krisis ng pandemya. Dapat din daw pabilisin ang pagpapasa ng P750/araw na national minimum wage bill sa Kamara.

Hindi pa rin ginagawa sa komite ang nasabing panukalang batas simula pa noong Hulyo 2019.

"Meron na po tayong batas tungkol diyan. Ang mga regional wage boards po ang magde-desisyon diyan. Pwede naman pong kahit na sinong mag-apply for increase in the regional minimum wage if they want to," tugon naman ni Roque.

Naghain na kahapon ng kanyang Senate Resolution 618 si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan para imbestigahan ang mga pagmamahal ng bilihin, bagay na naapektuhan daw ng serye ng mga COVID-19 lockdowns.

"Food prices are on the rise because food supply dropped due to, among others, the series of pandemic lockdowns.," ani Pangilinan kanina.

"The successive typhoons in the last quarter of 2020 destroyed crops, and the African swine flu and the closed fishing season during the cold months made supplies of pork and fish and vegetables scarce."

AFRICAN SWINE FEVER

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FOOD

FRANCIS PANGILINAN

HARRY ROQUE

INFLATION

KILUSANG MAYO UNO

MINIMUM WAGE

NOVEL CORONAVIRUS

PRICES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with