Government approval sa saliva test inaasahan - Red Cross

Sinabi ni Dr. Paulyn Ubial, head ng molecular laboratory ng PRC, na posibleng makuha nila ang approval sa paggamit ng saliva test mula sa Food and Drug Administration at Department of Health sa mga darating na araw.
Philippine Red Cross

MANILA, Philippines — Inaasahan ng Philippine Red Cross (PRC) na maaaprubahan na ng gobyerno ngayong linggo ang COVID-19 saliva test.

Sinabi ni Dr. Paulyn Ubial, head ng molecular laboratory ng PRC, na posibleng makuha nila ang approval sa paggamit ng saliva test mula sa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) sa mga darating na araw.

Anya, nakumpleto na nila ang pilot run para sa pagsusuri sa may 1,000 samples ng saliva testing.

Nairehistro na rin nila sa FDA ang mga kits na gagamitin sa pagsusuri para sa sertipikasyon nito.

Sa sandaling payagan na ng pamahalaan ang saliva test para sa COVID-19 diagnosis ay maaaring sumunod na rin ang iba pang laboratoryo.

Ang magiging problema lamang aniya ay kung iba ang gagamiting reagents ng mga ito dahil kakailanganin pa nilang gumawa ng validation study na kahalintulad ng ginawa ng PRC.

Dagdag pa niya, ang pagkuha ng regulatory approval ay mangangahulugan rin na madaragdagan ang COVID-19 daily testing gamit ang mas mura, mas mabilis at mas kumbinyenteng paraan ng pagsusuri na kasing accurate rin ng swab test, na itinuturing na gold standard sa COVID testing.

Show comments