^

Bansa

‘New normal’ guidelines inilalatag na ng gobyerno

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
âNew normalâ guidelines inilalatag na ng gobyerno
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na matagal na niya itong iminungkahi sa IATF dahil gusto na niyang makabalik sa normal na sitwasyon lalo na sa mga lugar na wala ng COVID-19.
Philstar.com/Irish May Lising

MANILA, Philippines — Tinatalakay na ng Inter-Agency Task Force ang pagkakaroon ng deklarasyon ng “new normal” sa mga lugar na wala nang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na matagal na niya itong iminungkahi sa IATF dahil gusto na niyang makabalik sa normal na sitwasyon lalo na sa mga lugar na wala ng COVID-19.

“It has been approved in principle po talaga na magkakaroon na ng deklarasyon ng new normal areas, pero ang binubuo lang po ngayon iyong mga dos and don’ts sa new normal kasi baka naman magkaroon ng new normal bigla silang magkaroon ng rock concert,” sabi ni Roque.

“Iyon po ang lilinawin natin. Iyong mga dos and don’ts’ in new normal areas.”

Kailangan pa rin umanong maging maingat ang lahat para masiguro na hindi mapapasok ng virus ang mga lugar na isasailalim sa new normal kung sakali.

Sinabi pa ni Roque na hanggang hindi pa nakakakita ng health immunity sa bansa ay tuluy-tuloy pa rin ang quarantine classification sa bansa at hindi mawawalang saysay ang hurisdiksyon ng IATF.

Dedepende kasi umano ang desisyon ng IATF sa data analytic para sa ipapatupad na quarantine classification.

NEW NORMAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with