'Highest new COVID-19 deaths' sa loob ng halos 4 na buwan iniulat ng DOH

Litrato ng mga pasahero ng jeep sa gitna ng COVID-19 pandemic, ika-8 ng Setyembre, 2020
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Ini-report ng Department of Health ang nasa 1,453 sariwang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease ngayong Miyerkules, dahilan para pumalo pataas ng 492,700 ang kabuuang bilang ng nadali ng nakamamatay na sakit.

Nasa 24,478 diyan ang nananatiling "aktibong kaso" o patuloy na nagpapagaling sa nakamamatay na sakit.

Umabot naman sa 146 ang bagong naitalang patay kung kaya't sumirit sa 9,699 ang total local deaths. Sumatutal, magaling na mula sa sakit ang nasa 458,523 pasyente na nadali ng COVID-19 .

Lugar na may pinakamararaming fresh cases

  • Quezon City, 95 (general community quarantine)
  • Cavite, 66 (modified general community quarantine)
  • City of Manila, 54 (GCQ)
  • Davao City, 50 (GCQ)
  • Cebu City, 44 (MGCQ)

Anong bago ngayong araw? Sa ikalawang sunod na ikaw, napakalaking bilang ang bagong namatay na isang bagsakang inireport ng DOH. Ito na ang pinakamataas na bilang ng single-day increase sa COVID-19 death toll sa bansa kasunod ng 259 na naitalang patay noong ika-14 ng Setyembre.

"[T]he increase in deaths is due to late reporting of deaths from previous months. Of the deaths today, 36% occurred in December and others were from months before. We continue to work with our disease reporting units for timely reporting of these events and ensure utmost accuracy of our data," paliwanag ng DOH sa reporters.

Kanina lang din nang irekomenda ng OCTA Research group na palawigin ang travel restrictions sa 33 bansa dahil sa banta ng bagong COVID-19 variants. Nakatakda itong magtapos sa Biyernes.

Basahin: 'Bagong COVID-19 variants': Ano ang mga 'yan at bakit delikado, kinatatakutan?

Umaabot na sa 89.7 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, 1.94 milyon na ang pumapanaw.

Show comments