^

Bansa

Tsina, 4 pang bansa, isinama sa travel ban dahil sa 'bagong COVID-19 variants'

James Relativo - Philstar.com
Tsina, 4 pang bansa, isinama sa travel ban dahil sa 'bagong COVID-19 variants'
Nakapila ang mga Tsinong ito para mabakunahan laban sa COVID-19 sa isang community center sa Beijing, China, ika-12 ng Enero, 2021
AFP/Greg Baker

MANILA, Philippines (Updated 3:16 p.m.) — Muling nadagdagan ang bilang ng mga bansang sasarhan ng Pilipinas pagdating sa mga biyahero bilang pag-iingat na rin mula sa pagpasok ng mga kinatatakutang bagong variant ng coronavirus disease (COVID-19).

Basahin: 'Bagong COVID-19 variants': Ano ang mga 'yan at bakit delikado, kinatatakutan?

Ang balita ay kinumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque, Martes, sa kanyang regular na media forum sa state media.

"Kasama na po ang People's Republic of China, Pakistan, Jamaica, Luxemburg and Oman sa mga bansa na meron pong bagong COVID-19 variant at ipinagbabawal po ang pagpasok ng mga dayuhan galing sa mga basang ito," sabi ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Effective [ito] January 13, 2021 at noon, 12:01 p.m., until January 15, 2021. Subject po ito for further recommendation ng [Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases]."

Aniya, sinasangayunan na rin daw ito ng Department of Health (DOH) at Department of Foreign Affairs.

Inaakyat nito ang bilang ng mga teritoryong pinatawan ng travel restriction sa 33.

Kaugnay pa rin ito ng pinangangambahang pagpasok ng iba't ibang variant ng COVID-19 mula United Kingdom, South Africa, Malaysia atbp.

Una nang sinabi ng World Health Organization at Department of Health na mas nakahahawa ng hanggang 70% ang UK variant ng COVID-19, habang mas mataas naman daw ang "viral load" ng South African variant na maaari rin daw mangahulugan ng mas mataas na transmissibility.

Sa kasalukuyan, narito ang mgabansa at administrative regions na sakop ng nasabing travel restriction: 

  • United Kingdom
  • United States
  • Portugal
  • India
  • Finland
  • Norway
  • Jordan
  • Brazil
  • Denmark
  • Ireland
  • Japan
  • Australia
  • Israel
  • The Netherlands
  • Hong Kong
  • Switzerland
  • France
  • Germany
  • Iceland
  • Italy
  • Lebanon
  • Singapore
  • Sweden
  • South Korea
  • South Africa
  • Canada
  • Spain
  • Austria
  • China (simula bukas)
  • Luxembourg (simula bukas)
  • Oman (simula bukas)
  • Pakistan (simula bukas)
  • Jamaica (simula bukas)

"Filipinos coming from these territories can still come home, but are subject to absolute 14-day quarantine, kahit ano pong resulta ng kanilang [RT-]PCR tests," dagdag ni Roque. 

Sa huling ulat ng DOH, Lunes, umabot na sa 489,736 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, Sa bilang na 'yan, 9,416 na ang patay.

CHINA

HARRY ROQUE

NOVEL CORONAVIRUS

TRAVEL BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with