^

Bansa

'Herd immunity' vs COVID-19 baka maabot ng Pilipinas ngayong 2021 — DOH

James Relativo - Philstar.com
'Herd immunity' vs COVID-19 baka maabot ng Pilipinas ngayong 2021 — DOH
Inihahanda ng isang nurse ang COVID-19 vaccine ng Moderna sa South Bronx Educational Campus sa Bronx, New York, ika-10 ng Enero, 2021
AFP/Kena Betancur

MANILA, Philippines — Maaaring hindi na tablan ng coronavirus disease (COVID-19) ang malaking populasyon ng Pilipinas ngayong taon din mismo basta't hindi kulangin ang darating na bakuna, pagpapalagay ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes.

Ito ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa ginagawang pagdinig ng Senate Committee of the Whole kanina patungkol sa COVID-19 vaccination plan ng estado.

"Based on our current negotiations, we are on track to provide the immunization services to 50-70 million Filipinos, provided, again, that the global supply of vaccines are sustained or even increased within this year," ani Duque.

"Kung kakayanin ng mga manufacturer... best-case scenario ay makakamit natin ang herd immunity po ngayong taon."

Ayon sa World Health Organization (WHO), tumutukoy ang "herd immunity" sa indirect na proteksyon mula sa nakahahawang sakit oras na naging immune na ang populasyon sa pamamagitan ng pagbabakuna o hindi pagtalab ng isang sakit mula sa naunang pagkakahawa.

"To safely achieve herd immunity against COVID-19, a substantial proportion of a population would need to be vaccinated, lowering the overall amount of virus able to spread in the whole population. One of the aims with working towards herd immunity is to keep vulnerable groups who cannot get vaccinated (e.g. due to health conditions like allergic reactions to the vaccine) safe and protected from the disease."

Tinatayang magsisimula ngayong Pebrero 2021 ang vaccination drive sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX facility, isang platapormang nagtitiyak maituturok ang bakuna sa pinakanangangailangan.

Sa kabila niyan, nakadepende pa raw ito kung aaprubahan ng United Nations-backed facility ang submission ng Pilipinas para sa eligibility list para sa maagang pamamahagi ng mga gamot.

"The effectivity of vaccines has been proven time and time again, and yet many of our kababayans have dwindling trust ng vaccines," pangamba ni Duque

"As we work to generate high demands for the availment of these novel vaccines, napakaimportante rin siguraduhin ang safety ng immunization program, at bantayan at aksyunan nang maaga ang mga posibleng adverse events, or adverse events of special interest."

Una nang sinabi survey ng Pulse Asia na nasa 47% ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna laban sa COVID-19, karamihan sa pag-aalala kung epektibo ito. Mas mataas 'yan sa 31% na unang lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Stations.

Bakuna mula sa Sinovac, Covovax; usapin ng bayad

Kahapon lang nang banggitin din ni Duque na nasa 25 milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese firm na Sinovac ang natiyak ng republika para sa mga mamamamayan nito.

Kasama na raw diyan ang 50,000 doses ngayong Pebrero, 950,000 sa Marso at 2-3 milyon sa mga susunod na buwan hanggang Disyembre. 

Pero sa tanong kung paano ang magiging bayaran dito ng gobyerno, ito na lamang ang naging sagot ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang press briefing kanina: "We expect that it will be paid, but let's see. Maybe, just maybe... China will donate some of it. Let's see," wika ni Roque habang inilulutang ang posibilidad na magiging libre ito.

"Many of us are praying that perhaps some of these vaccines could be donated. Aferall, we do have very close relations with China."

Kakailanganin daw muna na aprubahan ng gobyerno ang emergency use authorization ng mga gamot bago iturok sa mga Pilipino, kahit na mauna ang pagdating nito kaysa sa otorisasyon.

Sabado lang din nang pirmahan ng Pilipinas ang kasunduan para bilhin ang nasa 30 milyong doses ng COVID-19 vaccine na "Covovax" mula sa Serum Institute of India.

Ang lahat ng ito ay bukod pa 'yan sa mga gamot na makukuha ng bansa sa pamamagitan ng British firm na AstraZeneca.

Pagsisikap ng LGUs sa bakuna

Labas sa mga efforts ng central government, ilang local government units na rin ang nagtitiyak ng kani-kanilang supply ng COVID-19 vaccine para sa kanilang mga nasasakupan.

Kasama na riyan ang nasa 1 milyong doses ng AstraZeneca sa lahat ng Makati City residents at non-resident property and business workers nito, habang nasa 100,000 vaccine doses naman ang pinirmahan ni Navotas Mayor Toby Tiangco para mabakunahan ng parehong British vaccine ang kanyang mga nasasakupan.

AstraZeneca rin ang planong pagkunan nina Caloocan Mayor Oscar Malapitan para sa 600,000 bakuna. Nasa 800,000 naman daw ang kukunin nina Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso.

Sa kabila niyan, pinangangambahan ng ilang senador na hindi kayang gawin ng ilang mas maliliit na LGU ang pagkuha ng bakuna para sa kani-kanilang residente.

"Many of the Metro Manila mayors have set aside funds and also local governments from bigger provinces and cities around the country," ani Sen. Pia Cayetano.

"Do they really have to do this to secure the health of their people? What now is the impression it leaves to smaller LGUs who either have very limited capacity or no capacity at all?"

Sa huling ult ng DOH nitong Linggo, umabot na sa 487,690 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 9405 na ang namamatay. — may mga ulat mula kay The STAR/Marc Jayson Cayabyab

ASTRAZENECA

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

FRANCISCO DUQUE III

HARRY ROQUE

LOCAL GOVERNMENT UNIT

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with