Sa wakas: Nuezca, pumatay sa mag-ina sa Tarlac, tanggal sa PNP
MANILA, Philippines — Sibak na sa serbisyo at itinuturing nang sibilyan si Police SMSgt. Jonel Nuezca, isang pulis na isinisangkot sa pagpatay ng ilang sibilyan matapos ang alitan sa "boga" at "right of way," ayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), ika-11 ng Enero.
Ito ang kinumpirma ni PNP spokeseperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana sa panayam ng PSN, Lunes.
"[Chief PNP Debold Sinas] has just announced it following the approval of RD, NCRPO on the dismissal [from service] of PSSgt Nuesca which is [effective] today po," paliwanag ni Usana ngayong araw.
"He is now considered ex-PSsgt po, a civilian."
Basahin: Pulis na viral sa pamamaril ng 2 dahil sa 'boga' sumuko; kasong double murder inihahanda
May kinalaman: Killer cop Nuezca pleads not guilty of murder he was filmed committing
Naghain naman ng "not guilty" plea si Nuezca kahapon kahit kita sa video ang pagbaril niya sa ulo ng 'di armadong magnanay sa Paniqui, Tarlac nitong Disyembre.
Inilabas ni Sinas ang desisyon matapos unang hamunin mag-resign ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez kung hindi aniya marereporma ang PNP, bagay na humaharap sa batikos dahil sa brutal na pamamaslang ng mga alagad ng batas sa mga taong dapat nilang pinoprotektahan.
Kasalukuyang nililitis ng korte si Nuezca para sa kasong double murder, ngunit itinatanggi pa ring may kasalanan sa nangyaring pagpatay kahit rinig na rinig sa mga viral videos ang kanyang pag-usal ng mga sumusunod na salita: "Putangina, gusto mo tapusin na kita ngayon?" bagay na kanyang sinabi bago kalabitin ang gatilyo.
Kinundena na ng mga human rights groups at ilang media personalities ang naturang pagpaslang, na siyang isinalarawan ng ilan na "sobra-sobrang" aksyon ng mga alagad ng batas.
Basahin: 'Sobra ginawa mo': Maine Mendoza, celebs binanatan viral na pamamaril ng pulis sa Tarlac
May kinalaman: Ben&Ben idinaan sa kanta pagkundena sa 'Tarlac double murder,' police brutality
Ilang mambabatas sa ngayon gaya nina Sen. Manny Paqcquiao at Sen. Ronald "Bato" dela Rosa ang nananawagan na maibalik na ang parusang bitay para sa mga karumal-dumal na krimen kasunod ng malagim na insidente.
- Latest