^

Bansa

Philippine Eagle na si ‘Pag-asa’ namatay na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Philippine Eagle na si ‘Pag-asa’ namatay na
Si Pag-asa, ang unang Philippine Eagle na pinalaki at napisa gamit ang coope­rative artificial insemination (CAI) techniques makaraan ang 14 taong research hanggang sa umabot ito sa 28 gulang.
Photo from Philippine Eagle Foundation Official via Facebook

MANILA, Philippines — Namatay na ang Philippine eagle na si Pag-asa matapos magkaroon ng impeksiyon dulot ng Trichomoniasis at Aspergillosis na sinasabing mapanganib  sa mga  raptors. 

Ayon sa Philippine Eagle Foundation (PEF) , si Pag-asa na edad 28 ay ipinanganak noong 1992.

May mahigit isang linggo ring ginamot ang sakit ni Pag-asa pero patuloy na sumama ang pakiramdam ng agila at hindi na nakayanan ang sakit hanggang sa mamatay noong Enero 6.

Si Pag-asa, ang unang Philippine Eagle na pinalaki at napisa gamit ang coope­rative artificial insemination (CAI) techniques makaraan ang 14 taong research hanggang sa umabot ito sa 28 gulang.

Taong 2013, nagtagumpay muli ang PEF nang manganak si Pag-asa na pinangalanang Mabuhay gamit din ang CAI.

“Even after he retired from breeding, Pag-asa lived his life as an icon of hope for Filipinos, young and old, and was a constant inspiration to the people working tirelessly to save our National Bird from extinction,” ayon sa PEF. 

Ang Philippine Eagle na kinikilalang pinaka-mala­king ibon ay makikita lamang sa Luzon, Samar, Leyte at Mindanao sa Pilipinas na pinangangambahang maubos. Mayroon na lamang 400 pares ang natitirang Philippine Eagle sa wild.

PHILIPPINE EAGLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with