^

Bansa

DOH: 3 bagong COVID-19 variants binabantayan; Visayas, Mindanao inaaral kung napasok

James Relativo - Philstar.com
DOH: 3 bagong COVID-19 variants binabantayan; Visayas, Mindanao inaaral kung napasok
Nakasuot ng personal protective equipment (PPE) laban sa COVID-19 ang airline ground staff na ito sa Maynila, ika-4 ng Agosto, 2020
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na hindi na lang isa o dalawa ang bagong strains ng coronavirus disease (COVID-19) na inoobserbahan kung nakapasok na ng Pilipinas kundi tatlo.

Ito ang sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Biyernes, matapos mapag-alamang hindi kasama ang ilang probinsya gaya ng Sulu sa 305 positive samples na inaral ng Philippine Genome Center (PGC) bago ianunsyong wala pang United Kingdom variant ng SARS-CoV-2 virus sa bansa. 

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang malaman ng Hong Kong authorities na isang 30-anyos na Pinay domestic helper ang nakitaan ng UK strain matapos manggaling sa Cagayan Valley Region at Metro Manila.

Basahin: Gov't analysis shows new COVID-19 variant not yet in Philippines

May kinalaman: Bagong COVID-19 UK strain nasipat ng Hong Kong sa Manila passenger; DOH naghahanda

"Sa ngayon, meron na tayong tatlong variant na binabantayan. Ito po 'yung sa UK na type ng variant, ito po 'yung sa South African na variant, and then there was this identified variant din dito naman sa Malaysia," ani Vergeire sa isang media forum.

"The initial 300 samples that were tested by the [PGC] were just initial. This is a continuing surveillance system that we have established already."

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 variant mula UK ay sinasabing 40-70% na mas nakahahawa kumpara sa naunang lumaganap na COVID-19 viruses.

Ilang araw pa lang din ang nakalilipas nang sabihin ng ilang UK scientists na maaaring hindi maprotektahan ng COVID-19 vaccines na ipinakakalat sa Britanya ang variant na nagmula sa South Africa.

Natukoy naman na ng pamahalaan ang ilang naging "close contacts" ng Pinay na nagkaroon ng bagong variant. Napuntahan na rin naman daw ang mga nabanggit at nakunan na ng swab para sa RT-PCR tests.

"They are currently quarantined and being monitored, ito pong mga close contacts sa Solana, Cagayan," sabi pa ng DOH official kanina.

Natunton at na-swab na rin daw ang mga close contacts ng Pilipina sa Maynila, na siyang naka-quarantine na rin at inoobserbahan ang kalagayan.

Sa huling ulat ng DOH nitong Huwebes, umabot na sa 482,083 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 9,356 na ang patay.

Visayas, Mindanao tututukan

Ayon pa sa kagawaran, hindi porke nakita na ng PGC at DOH na wala pa ang bagong strains sa mga positive samples nitong Nobyembre at Disyembre, simula pa lang daw ito ng kanilang "biosurvelliance" at hindi pa nagtatapos.

"Actually, kahapon po nakausap na natin ang regional offices natin. We are getting samples from the different regions, specifically in Mindanao, Visayas, because we would like to see if in these areas meron din po tayong makita at mai-whole genome sequence natin. Baka sakali, ma-determine natin baka may variant tayo sa mga lugar na ito," dagdag pa ni Vergeire.

"This will be a continuing thing, this bio-surveillance, we are appropriating funds to the Philippine Genome Center so we could sustain this because this is important for our surveillance systems."

Kasalukuyang nagpapatupad ng travel ban ang Pilipinas sa mahigit 20 bansa, kasama ang UK, South Africa at Estados Unidos para mapigilan ang posibilidad ng pagpasok ng bagong COVID-19 variants.

Miyerkules nang dagdagan pa 'yan ng anim pang bansa gaya ng Poland, India, Finland,  Norway, Jordan at Brazil.

Mag-uusap pa naman daw sa susunod na linggo ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung madadagdagan at ititigil na ang mga nasabing ban pagsapit ng ika-15 ng Enero.

CAGAYAN

DEPARTMENT OF HEALTH

MALAYSIA

NOVEL CORONAVIRUS

SOUTH AFRICA

UNITED KINGDOM

VARIANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with