^

Bansa

Cha-cha hindi pang-'term extension' ni Duterte, pandurog sa NPA, party-lists — Sotto

James Relativo - Philstar.com
Cha-cha hindi pang-'term extension' ni Duterte, pandurog sa NPA, party-lists — Sotto
Litrato ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III sa isang pagdinig ng Senado
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Sang-ayon sa pahayag ng Malacañang, wala raw kinalaman sa pagpapalawig ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inilulutong pagbabago sa Saligang Batas ng Konggreso sabi ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III — pansugpo raw ito ng administrasyon sa ligal na Kaliwa bilang pagbanat sa mga rebeldeng komunista.

Sa ulat ng ANC, Miyerkules,ito ang ipinaliwanag ni Sotto kaugnay ng inihaing panukala ni House Speaker Lord Allan Velasco at resolusyon nina Sen. Ronald dela Rosa at Sen. Francis Tolentino na mabago ang 1987 Constitution gamit ang Charter change (Cha-cha).

"Ang sinabi niya (Duterte), 'I want this problem of CPP-NPA solved. The best way is we remove the party-list system or change it in the constitution...' Walang pinag-uusapan na term limits at kung ano-ano," sambit ng actor-turned-politician kanina.

"Una, hindi order. He (Duterte) was suggesting. That was the word he used: 'I am suggesting that you look into the problem of the party-list system so we can resolve the problem of the CPP-NPA."

Matagal nang nire-redtag ng mga opisyal ng gobyerno ang ilang aktibistang party-list groups sa Kamara bilang "front" ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People's Army (NPA), kahit na paggawa ng batas at hindi paghawak ng armas ang kanilang ginagawa sa lehislatura.

Dati na ring binabantan ni Duterte ang ilan sa mga mambabatas ng Makabayan bloc gaya ni Rep. Carlos Zarate (Bayan Muna Party-list) na "kasabwat" aniya ng lihim na samahan ng mga komunista, lalo na't personal na raw niyang nakatrabaho ang progressive lawmaker noon pa sa Mindanao.

Ilang administrasyon na ang nagtangkang makapagsagawa ng matagumpay na cha-cha sa Konggreso, ngunit ilang dekada na rin hindi nagiging matagumpay dahil sa mga kumokontrang masingitan ng  term extension ng presidente — maliban na sa pagtatanggal ng ilang restriction sa foreign ownership ng ilang ari-arian gaya ng lupain at pamumuhunan sa Pilipinas.

'CPP-NPA crackdown? Hindi naman sila tumatakbo sa party-list'

Binanatan naman ni Rep. Ferdinand Gaite (Bayan Muna Party-list) ang tila pagsusog ni Sotto sa pag-uugnay sa kanila sa mga komunista habang ginagamit bilang pagkakataong mailusot ang constitutional changes.

"Crackdown vs CPP-NPA? Hindi naman tumatakbo sa party-list ang mga iyan. Is the Senate President joining the red-tagging crusade?" sambit niya sa Twitter kanina.

Ang CPP at NPA ay mga rebolusyonaryong grupong hindi lumalahok sa eleksyon ng Republika ng Pilipinas, habang ang Makabayan bloc ay tumatakbo sa Kamara at naghahain ng mga panukalang batas kaugnay ng kanilang mga adbokasiya.

Kahapon lang nang banatan din ni Gaite ang paggamit sa cha-cha ng ilang mambabatas para matanggal ang ilang economic provisions sa konstitusyon na pumapabor sa mga Pilipino pagdating sa pagpapatakbo ng ekonomiya.

Aniya, hindi pwedeng tanggalin ang mga ito dahil ito na lang daw ang prumoprotekta sa "kalupaan, kagubatan, karagatan, mga likas na yaman para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino."

"Anong gusto nila? Buksan pa lalo ang bansa sa pandarambong ng dayuhan," dagdag niya.

Kung maisasakatuparan ang pagbubuwag ng mga party-list, bagay na pinahihintulutan sa Article VI, Section 5 ng 1987 Constitution, bawal na rin umupo sa Kamara ang ilang kaalyado ng presidente gaya ng Duterte Youth party-list.

'Term-extension? Tsismis lang iyan'

Kanina lang nang itanggi ni presidential spokesperson Harry Roque na may kamay si Duterte sa inilulutong cha-cha sa Konggreso, lalo na pagdating sa mga haka-hakang gagamitin ito para mapatagal si Duterte sa poder.

"Wala pong katotohanan ang mga tsismis na 'yan. Tsismis lang," paliwanag ni Roque sa isang press briefing kanina.

"Wala po siyang kahit na anong kagustuhan na manatili nang isang minuto man lang beyond his term of office on June 30, 2022." 

Aniya, katungkulan lang daw ng mga mambabatas ang anumang excercise gaya ng cha-cha at constitutional assembly (con-ass) at nirerespeto lang daw ito ni Duterte.

Sang-ayon naman sina Sen. Franklin Drilon at Bise Presidente Leni Robredo na "pagsasang ng oras at pera ng taumbayan" ang anumang plano ng cha-cha lalo na't nasa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic ang Pilipinas.

"It will be a total waste of time. It won't fly. Our history tells us that Cha-cha has a zero chance of success in any administration that is already in the home stretch," ani Drilon.

"It is a sin to be even talking about changing the Constitution when there is still no end in sight to the pandemic, when the government is struggling to secure funding for Covid-19 vaccines, and when the country is still reeling from the continuing impact of the pandemic and the recent typhoons." — may mga ulat mula sa News5

1987 CONSTITUTION

BAYAN MUNA PARTY-LIST

CHARTER CHANGE

COMMUNIST PARTY PF THE PHILIPPINES

HARRY ROQUE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MAKABAYAN BLOC

NEW PEOPLE'S ARMY

NOVEL CORONAVIRUS

PARTY-LIST

RED-TAGGING

RODRIGO DUTERTE

SENATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with