^

Bansa

Ika-2 autopsy isinagawa kay Dacera habang Sinas nanindigang may 'rape'

Philstar.com
Ika-2 autopsy isinagawa kay Dacera habang Sinas nanindigang may 'rape'
Litrato ni Christine Dacera, isang 23-anyos na natagpuang patay sa isang hotel sa Makati City nitong Bagong Taon
Mula sa Facebook account ni Christine Dacera

MANILA, Philippines — Habang tinutukoy pa ang tunay na dahilan sa kontrobersyal na pagkamatay na 23-anyos na flight attendant sa Makati City nitong Bagong Taon, naisagawa na ang ikalawang pagsusuri ng mga dalubhasa sa mga labi ni Christine Dacera.

Basahin: 23-anyos flight attendant natagpuang patay sa hotel

May kinalaman: Prosecution orders release of 3 tagged in Dacera case

Ito ang ibinahagi ni Dr. Marichi Ramos, kaibigan ng pamilya Dacera, sa mga reporters nitong Huwebes bago dalhin ang katawan ng biktima pabalik ng General Santos City sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Sa kabila nito, "confidential" pa rin naman daw ang resulta ng panibagong autopsy habang kumukuha sila ng mga panibagong testigo para sa imbestigasyon ang Philippine National Police.

"The family has decided to leave it up to the PNP to do further investigation. Although we have a lot of witnesses that's coming forward, and alam naman namin right from the very start there were a lot of irregularities and inconsistencies. So we leave it up to the PNP to be able to assess kung ano talaga ang nangyari," ani Ramos.

Una nang pinanindigan ni PNP chief Police Gen. Debold Sinas na pinagsamantalahan muna si Dacera bago tuluyang bawian ng buhay matapos maki-party kasama ang mga kaibigan sa isang hotel sa Makati City.

Gayunpaman, "ruptured aortic aneurysm" naman ang itinuturong dahilan ng ospital sa pagkamatay, ayon kay Makati City police chief Col. Harold Depositar — dahilan para pagdudahan ng ilan ang retorikang may rape na nangyari, lalo na't ilan sa mga kasama ni Dacera ay sinasabing bakla.

Dahil sa kulang-kulang pa ang resulta ng imbestigasyon, iniutos na tuloy ng prosekusyon ang pagpapalaya sa tatlong unang naarestong suspek na sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Daluro Galido at John Paul Reyes Halili, sa kabila ng proklamasyon ni Sinas na "case solved" na ito.

"[T]here is a need to conduct preliminary investigation of the case," ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, Miyerkules.

Aminado rin si National Capital Region Police Office (NCRPO) hief Brigadier General Vicente Danao Jr. ngayong araw na hilaw pa at kulang ang mga ebidensyang magdidiin sa tatlo. Kaugnay nito, magpapatuloy daw ang kanilang imbestigasyon.

Hangga't hindi pa nasasagot ang marami sa katanungan hinggil sa pagkamatay ni Dacera, magsasagawa muna ng dalawang araw na burol ang mga naulila hanggang sa malibing.

Nakatakda nangayon ang isang preliminary investigation sa ika-13 ng Enero.

'Innocent until proven guilty'

Nakikiramay man sa kinasapitan ng babae, ipinaalala naman ng Marawi civic leader at dating senatorial candidate na si Samira Gutoc na dapoat pa ring bigyan ng pagkakataon ang 11 akusado mula sa agarang panghuhusga habang hindi pa kumpleto ang mga ebidensya.

"Bagama't nagdurugo ang ating mga puso sa pagkawala ni Christine Dacera, kailangan po nating alalahanin na ang 'innocent until proven guilty' ay para sa lahat," ani Gutoc, habang idinidiin ang kahalagahan ng due process.

"Justice for Christine cannot come from injustice to others."

May kinalaman: Sigaw ng celebs: Rape victims 'wag sisihin, #JusticeForChristineDacera

Nagpaabot din si Galido, isa sa mga respondents ng reklamong rape with homicide, na nakikiramay siya sa pamilya ng kanyang nawalang kaibigan.

"Nararamdaman ko po iyong sakit na nararamdaman nila [Dacera’s family] kasi naging parang kapatid ko siya [Dacera]. Sobrang mahal na mahal ko po siya. Para sa akin, sobrang sakit din po mawala si Christine pero sana malinawan ang pamilya ni Christine. Iyon lang po," sabi niya sa mga reporters.

Sa ngayon, pinag-aaralan na nang mabuti ng mga otoridad ang mga nakuhang CCTV footage ng mga huling sandaling nakitang may buhay si Christine. — James Relativo at may mga ulat mula News5

AUTOPSY

CHRISTINE DACERA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAMIRA GUTOC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with