MMDA chair Danny Lim patay sa edad 65-anyos matapos ma-diagnose ng COVID-19

Litrato ni MMDA chair Danilo Lim kasama ang ilang kawani ng Philippine National Police (PNP) at Metro Manila Development Authority (MMDA) habang nasa Ortigas, Mayo 2020
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Binawian na ng buhay ang kasalukuyang chairperson ng Metropolitan Manila Development Authority na si Danilo Lim matapos, pagkukumpirma ng sari-saring sources, Miyerkules nang umaga.

Kinumpirma na nina presidential spokesperson Harry Roque at MMDA General Manager Jojo Garcia ang pagkamatay.

Matatandaang nagpositibo sa COVID-19 si Lim nitong nakaraang linggo lang. 

"The Palace expresses its deep condolences to the family, loved ones and colleagues of Metropolitan Manila Development Authority Chairman Danilo Lim who died before 8AM this morning at the age of 65," ayon sa pahayag ni Roque kanina.

"MMDA Chair Lim served the Duterte administration with professionalism, competence and integrity. He would be dearly missed. May the perpetual light shine upon him, and may his soul, through the mercy of the Almighty, rest in eternal peace."

Dating deputy commissioner for intelligence ng Bureau of Customs, matatandaang nakulong si Lim noong 2006 hanggang 2010 kaugnay ng kasong rebelsyon matapos ang bigong coup d'état laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-0Arroyo.

Taong 2017 nang palitan ni Lim ang dating chairperson at general manager ng MMDA na si Thomas Orbos sa ilalim ng administration ni Pangulong Rodrigo Duterte. — may mga ulat mula sa News5

Show comments