^

Bansa

PSG 'handang makulong' sa smuggled vaccines basta Duterte COVID-free, ani Roque

James Relativo - Philstar.com
PSG 'handang makulong' sa smuggled vaccines basta Duterte COVID-free, ani Roque
Ine-escort ng naka-maskarang Presidential Security Group (PSG) si Pangulong Rodrigo Duterte, ika-27 ng Hulyo, para sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa
Presidential Photos

MANILA, Philippines — Muling sinalag ng Palasyo ang mga kritisismong natatanggap ng Presidential Security Group (PSG) sa pagtuturok ng bakunang hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA), bagay na kanilang nagawa lang daw upang matiyak na 'di dapuan ng coronavirus disease (COVID-19) ang presidente.

Sa media briefing ni presidential spokesperson Harry Roque, kanyang idiniin na handang mamatay ang security ni Pangulong Rodrigo Duterte mapanatili lang siyang ligtas — kung kaya't natitiyak niyang handa silang makalaboso kung kakailanganin.

"Lahat ng pananagutan sasagutin po 'yan ng PSG... [K]ung kamatayan nga tatanggapin nila para sa presidente, ano ba naman 'yung kulong na posible?" ani Roque, Lunes.

"Basta sila ginawa nila ang katungkulan [nila]. Isa po ako sa talagang humahanga sa ginawa ng PSG."

Hindi naman masagot nang diretso ni Roque ang tanong kung pinapalakpakan ng Malacañang ang "posibleng paglabag ng security detail ni Duterte sa batas."

Sa ilalim ng Republic Act 9711, o FDA Act of 2009, ipinagbabawal ang sumusunod:

"The manufacture, importation, exportation, sale, offering for sale, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertisement, or sponsorship of any health product which, although requiring registration, is not registered with the FDA pursuant to this Act."

Makikipag-ugnayan na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa PSG ngayong Lunes habang sinisimulan na nito ang imbestigasyon sa paggamit ng mga ipinagbabawal na Chinese vaccines.

Una nang sinabi ni Roque na "walang iligal" sa paggamit ng naturang bakuna, kahit na mismong FDA na ang nagsabing iligal ang pagtuturok nito nang walang pahintulot mula sa kanilang tanggapan.

"Yes, I don't think it was a mistake to protect the president [from COVID-19]. If there's whatever accountability, sasagutin po 'yan ng PSG," diin pa ng tagapagsalita ng presidente.

Sino ba talaga ang nagpasok?

Samantala, ayaw pa ring maglabas ng detalye ang Palasyo patungkol sa kung sino ang entity na nagpasok ng COVID-19 vaccine — na una nang tinukoy na galing sa Sinopharm at ibinigay din daw sa kasundaluhan.

"It's immaterial [kung saan nanggaling]. Ang material dito, isinugal nila ang mga buhay nila para protektahan ang presidente. Full stop. That's their business," sambit pa ni Roque.

Iligal ang importasyon ng bakunang walang rehistro sa FDA, at may kaukulang kulong at multang parusa sa lalabag.

Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipinuslit, o ini-smuggle, ang mga nasabing gamot sa Pilipinas.

Sa kabila nito, naninindigan din si Lorenzana na "justified" ang ginawa ng mga otoridad na sangkot dito.

"Yes smuggled, because they were not authorized, only the government can authorize," ayon sa kalihim.

"It is justified … it will protect them so they will not be infected and at the same time they can protect the president."

Sinabi na noon ni PSG head Brig. Gen. Jesus Durante na ilang unit members nila ang gumamit ng COVID-19 vaccines "in good faith," at tska na lamang sinabihan si Duterte.

Related video:

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COVID-19 VACCINE

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

HARRY ROQUE

NOVEL CORONAVIRUS

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with