MANILA, Philippines — Susi ang pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at ng pribadong sektor para matamo ang mas mabilis na internet speed na nangangailangan ng napakalaking capital spending.
Sa ilalim ng administrasyon ni Presidente Rodrigo Roa Duterte, ang National Broadband Plan ng bansa ay pinasimulan sa pamamagitan ng funding support.
Ang halos P2-billion budget para sa 2021 National Broadband Plan (NBP) ay naglalayong pabilisin ang pagtatayo ng telecom, na inaasahang magtutulay sa digital divide sa Filipinas.
“The administration’s initiative to hike the budget for the National Broadband Plan is a welcome development, as this will also mean connectivity to more missionary sites or areas without existing telco infrastructure. More is needed to hasten development in this sector, which once done, will spell growth for the broader economy translating to more jobs and livelihood,” pahayag ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.
Ang National Broadband Plan ay mangangailangan ng P18-billion upang ganap na maipatupad ang ‘digital nation’ blueprint.
“Iyong mga nangunguna po na bansa sa atin, grabe po ang ginagastos ng gobyerno para sa kanilang infrastructure network,” sabi ni Cordoba.