^

Bansa

Go: PhilHealth contribution hike, mapipigilan ng Bayanihan 3 provision

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sen. Bong Go na ang pagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth ngayong taon ay maaaring mapigil muna sa pamamagitan ng probisyon sa panukalang Bayanihan 3 law.

“May pandemya tayo ngayon at napakahirap pigain ang mga Pilipino na madagdagan pa ng 0.5 percent dito sa babayaran nila,” ani Go, chairperson ng Senate committee on health.

“Pwede nating pag-aralan na i-amend ‘yung law or i-defer natin ito through a provision in Bayanihan 3. Kung magpasa tayo ng Bayanihan 3, pwede pong ma-identify ng gobyerno doon sa batas kung ano ang pwedeng i-defer muna while nasa pandemic pa tayo,”  dagdag ng senador.

Ang nakatakdang increase ng PhilHealth contribution ay batay sa Republic Act 11223 o Universal Health Care Law. Sa naturang batas, lahat ng Filipino ay mayroon o pasok na dapat sa government health insurance program na may mandatong paunti-unting mag-increase ng premium rates mula sa 2.75% sa taong 2019 hanggang 5% hanggang 2024.

Ayon kay Go,  tatalakayin niya ang isyung ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Dapat ang gobyerno ang sumalo nito, lalung-lalo na sa mga kapatid nating mahihirap na walang pambayad. Mag-aapela po ako kay Pangulong Duterte, kakausapin ko rin siya tungkol dito,” sabi ng senador.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with