^

Bansa

12-anyos patay sa ligaw na bala ngayong Bagong Taon; injuries bumaba ng 85%

James Relativo - Philstar.com
12-anyos patay sa ligaw na bala ngayong Bagong Taon; injuries bumaba ng 85%
Pinapakita sa file photo na ito ang isang naputukan ng firecracker.
The STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Malungkot ang pagsalubong ng Bagong Taon ng isang pamilya sa Mindanao, Biyernes, matapos mauwi sa pagkamatay ang paglalaro ng isang bata sanhi ng ginagawang pagpapaingay ng ilan tuwing naghihiwalay ang taon.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ika-1 ng Enero nang mangyari ang insidente sa Lanao, del Norte pasado ala-una nang madaling araw habang nagkakatuwan ang isang 12-anyos na babae kasama ang mga kamag-anak.

"'Yung bata po ay nasa labas, naglalaro kasama 'yung kanyang mga pinsan... And then all of a sudden bumagsak siya. Akala ng mga pinsan niya ho siya ay nadulas lamang. Pero nakita ng mga pinsan niya may dugo na 'yung bata," ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana sa isang press briefing.

"Nandoon pa ho sa kanyang ulo 'yung slug [ng bala]. Subsequently, nai-turn over po itong slug sa custody ng crime laboratory personnel."

Wala pang pagkikilanlan sa ngayon ang mga otoridad kung sino ang responsibilidad sa balang naitanim sa ulo ng paslit. Gayunpaman, sinabi ni Usana na maaaring isailalim ito sa "crossmatching" para makatulong sa imbestigasyon.

Gayunpaman, aminado si Usana na mahihirapan silang habulin ang salarin kung nataong gumamit ng loose firearm ang nagpaputok.

"Pero kapag naka-register po 'yung firearm, we will inform the public as regards on who the owner of the firearm is. At makakaasa po kayo na makakasauhan po angh tao," patuloy ng tagapagsalita ng pulisya.

Bukod sa sinapit ng batang babae, dalawa pa ang naiwang sugtatan matapos tamaan ng ligaw na bala. Isa mga non-lethal victims ay nagmula sa Dagupan City habang ang isa naman ay nanggaling mula sa Negros Oriental, Santa. Catalina.

Menor de edad din ang naging biktima sa Negros Oriental, na siyang umiihi noon nang tamaan ng lumilipad na bala.

Sa kabila nito, at ng pagkakaaresto ng isang pulis-Malabon dahil sa indiscriminate firing, nananatili ang mga alagad ng batas na napanatili ang katahimikan habang gumugulong ang mga kasiyahan.

Pagbulusok ng disgrasya

Bagama't merong ilang untoward incidents nitong mga nagdaang araw, ikinatuwa namang iulat ng Department of Health (DOH) ang laki ng naiwas sa bilang ng mga minalas maging biktimang firework-related injuries ngayon taon.

Aniya, 50 lang daw kasi ang kaso ng mga nadisgrasya kaugnay ng New Year festivities mula ika-21 ng Disyembre, 2020 hanggang ika-1 ng Enero 2021.

Nasa 49 raw daw sa mga ito ang dahil sa paputol, habang iisa lang ang sinasabing stray bullet injury. Una nang sinabi ng PNP na ilan sa tatlong bullet injuries ay nangyari matapos ang deadline ng monitoring.

Dahil diyan, mas kaonti ito ng 85% kumpara sa kabuuang 340 injuries noong nakaraang taon. Bukod pa riyan, 89% din daw na mas mababa sa five-year average ang mga panibagong datos.

Sa kabuuang bilang ng mga nadisgrasya sa buong bansa, naitala sa mga sumusunod na lugar ang pinakamaraming kaso:

  • National Capital Region (22)
  • Region IV-A (5)
  • Region I (4)
  • Region V (4)
  • Region VI (4)

Karamihan pa rin sa mga nakasakit ngayong taon ay ang kwitis (29%), na sinundan ng boga (8%), 5-star (8%), fountain (8%) at triangle (8%).

"The lower numbers we achieved this year is a welcome development, but we will not stop until we achieve zero firework related injuries and ensure that the next holidays will be safer for every Filipino," ani Health Secretary Francisco Duque III.

"We have also observed that there was a change of behavior of Filipinos towards health. Due to the pandemic, the Filipinos became more aware and involved in ensuring health and safety of their family and community."

DEPARTMENT OF HEALTH

FIRECRACKER

INJURIES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

STRAY BULLET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with