MANILA, Philippines — Kung paniniwalaan ang bagong-labas na survey ng Pulse Asia Research ngayong araw, lumalabas na ilalagay sa balota ng mayorya ng mga Pilipino ang pangalan ni Davao Mayor Sara Duterte sa para sa posisyon ng pagkapangulo sa ngayon.
Ito ang natuklasan ng isang pag-aaral na isinagawa mula ika-23 ng Nobyembre hanggang ika-2 ng Disyembre, bagay na inilabas ngayong Huwebes.
Sa harapang panayam na isinagawa sa 2,400 katao, sinabi ng pag-aaral na 26% ng mga Pilipino ang boboto kay "Inday Sara" — anak ni Pangulong Rodrigo Duterte — kung isinagawa ang eleksyon habang kinokolekta ng mga mananaliksik ang datos.
Halos kalahati ang nilamang ng nakababatang Duterte kina dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Sen. Grace Poe, na pawang nakakuha ng 14% sa ikalawang pwesto.
Sinundan naman sila ni Manila Mayor Isko Moreno (12%), Sen. Manny Pacquiao (10%), Bise Presidente Leni Robredo (8%), Sen. Panfilo "Ping" Lacson (4%), Sen. Bong Go (4%), Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano (3%), Sen. Richard Gordon (0.2%) at dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.
Nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte sa presidential preference survey ng Pulse Asia. Sumunod naman sa kanya si dating senador Bongbong Marcos at Sen. Grace Poe.
Habang si Vice Pres. Leni Robredo, pang-anim lamang sa puwesto. pic.twitter.com/vQRzh9HqUW— News5 (@News5PH) December 31, 2020
Nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte sa presidential preference survey ng Pulse Asia. Sumunod naman sa kanya si dating senador Bongbong Marcos at Sen. Grace Poe.
— News5 (@News5PH) December 31, 2020
Habang si Vice Pres. Leni Robredo, pang-anim lamang sa puwesto. pic.twitter.com/h10u1EgQEc
Pinakamalakas ang suportang natanggap ng alkaldeng Davaoeña sa Mindanao (58%), kung saan matatagpuan ang kanyang pinamumunuang lungsod. Nasa 29% naman ng mga Bisaya ang nasa likod niya habang 16% ng mga nasa Kamaynilaan at 12% ng mga taga-Luzon ang pumili sa kanya.
Una nang sinabi ni Duterte na Enero 2021 pa siya magdedesisyon kung tuluyang mangangandidato sa pagkapresidente, ayaw ng kanyang ama na sumunod sa kanyang yapak ang anak na babae.
"Sinabi ko kay Inday, ’wag kang mag-presidente unless you see something na kaya mo para gawain mo sa bayan. Pero if just a matter of ambition, lay off," sabi noon ng pangulo nitong Hulyo.
Kahit ipinipinta ng election surveys ang opinyong publiko, matatandaang talo sa 2010 at 2010 presidential elections sina dating Sen. Manny Villar at dating Bise Presidente Jejomar Binar kahit numero sila noon laban sa mga karibal na kandidato.
Moreno, Pacquiao daig lahat ng possible VP, senatorial bets
Pagdating naman sa posisyon ng bise presidente, nangibabaw sa listahan ang popular na alkalde ng Maynila na si Francisco "Isko Moreno" Domagoso, matapos makakuha ang actor-turned-politician ng 17%.
Hindi rin nawala sa eksena ng pagka-ikalawang pangulo ang nakababatang Duterte sa 16%, dahilan para mapirmi siya sa ikalawang pwesto.
Pumangatlo naman sa mga sinuportahang hahalili sa presidente si Senate President Vicente "Tito" Sotto III, na siya namang nakakuha ng 14.
Narito ang buong listahan ng 2022 vice presidential preference survey, mula sa may pinakamataas na boto hanggang sa pinakamababa.
Nanguna si Sen. Manny Pacquiao at si Raffy Tulfo sa senatorial preferences survey ng Pulse Asia. pic.twitter.com/FRaGQsmwz5
— News5 (@News5PH) December 31, 2020
Namayagpag sa naturang survey ang "Pambansang Kamao" na si Pacquiao, na siya namang sinundan ng tanyag na TV5 broadcaster na si Raffy Tulfo.
Kulelat ngayon sa listahan ng napipisil tumakbong senador si Public Works and Highways Secretary Mark Villar.
— James Relativo at may mga ulat mula sa News5