^

Bansa

VP Robredo: Bagong Taon 'gamitin para bumangon' sa krisis ng 2020, COVID-19

Philstar.com
VP Robredo: Bagong Taon 'gamitin para bumangon' sa krisis ng 2020, COVID-19
Sa undated photo na ito, nanunuod ng fireworks display ang mga residenteng ito ng Marikina City sa gitna ng pagdiriwang ng Bagong Taon
The STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Sa kabila ng kaliwa't kanang dagok na naranasan ng mga Pilipino mula sa coronavirus disease pandemic at sunud-sunod na kalamidad ngayong 2020, hinikayat ng ikalawang pangulo ang lahat na maging optimistiko sa pagpasok ng Bagong Taon — bagay na magagamit daw sa pagbangon.

Aniya, marami raw kasi ang unang beses na sasalubong sa mga pagdiriwang na kulang-kulang ang pamilya, lalo na't umabot sa 9,230 ang pumanaw dulot ng COVID-19 sa Pilipinas.

Bukod pa riyan sa mga naapektuhan o nawalan ng trabaho bunsod ng epekto sa ekonomiya ng mahihigpit na lockdown, dahilan para kumonti ang handang media noche na pagsasaluhan ngayong taon.

Basahin: 'Record-high': 17.7% kawalang trabaho naitala nitong Abril kasabay ng COVID-19

May kinalaman: SWS: Only 16% of Filipino families say they aren't poor

"Maraming aspekto ng buhay natin ang nagbago—sa bahay, sa paaralan, sa opisina, sa mga ugnayan sa pamilya at kaibigan—at dala nito ang halo-halong emosyon: Takot, pangamba, lungkot," ayon kay Bise Presidente Leni Robredo, Huwebes.

"Pero paalala sa atin ng petsang ito—ang unang araw ng unang buwan ng isang bagong taon—na laging may bagong simula; laging may pagkakataong bumangon; lagi tayong tinatawag ng bukas sa pag-asang kaya natin itong gawing mas maginhawa, mas masagana, mas makatao kaysa sa kahapon."

Sa kabila ng paalalang maging positibo, hindi naman daw biglaang mawawala ang nakamamatay na virus porke nagbago ang numero sa kalendaryo.

Dapat pa rin daw maging mapagmatyag at 'wag maging bulagsak sa health protocols kahit na sinusubukang inormalisa ang buhay ng lahat sa gitna ng pandemya.

"Lalo pa sana tayong magbigkis upang salubungin ang 2021 nang sama-sama, tulong-tulong, at nang may ibayong pagkasabik para sa kinabukasang papandayin natin bilang nagkakaisang bansang Pilipinas. Isang masaya at hitik sa pag-asang bagong taon sa inyong lahat," kanyang panapos.

'2021: Taon ng paghilom'

Buong tapang ding haharapin ng Malacañang ang pagpasok ng unang araw ng Enero, habang dala-dala ang mga mahahalagang araw at ala-alang iniwan ng 2020.

"The challenges we faces as a nation in 2020 were daunting but because of the resilient Filipino spirit, we fought and carried on," wika ni presidential spokesperson Harry Roque kanina.

Bukod riyan, maganda balita rin daw ang bubungad sa bansa sa 2021 lalo na't inaasahan na ang pagdating ng mga unang bakuna kontra COVID-19 sa unbang kapat ng taon.

"We hope to see an end to the pandemic and continue the pursuit for a stronger and healtier Philippines, which would only be realized if the government and citizens would work together to achiece this goal," saad pa ni Roque.

"Let us therefore make Year 2021 as a year of healing, recovery and bouncing back. Together and united, we will health and recover as one." — may mga ulat mula kay The STAR/Christina Mendez

2020

2021

LENI ROBREDO

NEW YEAR

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with