Duque sa mga magulang: Mga anak bantayan sa paputok
MANILA, Philippines — Nagpaalala si Health Sec. Francisco Duque III sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak laban sa paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Duque, kailangang maging mas mapagmatyag ang mga magulang sa mga hawak-hawak ng kanilang mga anak upang mailayo ang mga bata sa disgrasya dahil baka aniya may mga nagbibigay sa kanila ng mga paputok.
Muli ring nagpaalala ang DOH at Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga ipinagbabawal na paputok.
Batay sa Executive Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang sa mga ipinagbabawal ang mga oversize na paputok, maigsi ang mitsa, imported, may halo at walang label na produkto.
Bawal din ang watusi, piccolo, pop-up, 5 star, lolo thunder, pla-pla, giant bawang, goodbye de lima, goodbye napoles, giant whistle bomb, atomic bomb, atomic triangle, large size judas belt, super yolanda, mother rackets, super lolo, goodbye bading, goodbye philippines, bin laden, boga at coke in can.
Pinapayagan naman ang paggamit at pagbebenta ng pailaw o pyrotechnic devices gaya ng roman candle, fountain at lusis pero depende pa rin sa mga LGUs kung papayagan ito sa kanilang mga lugar.
- Latest