Justice will be served!
MANILA, Philippines — Ito ang tiniyak ni Phi-lippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Debold Sinas sa pamilya ng mag-ina na pinagbabaril ng isang abusadong parak sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre 20.
Si Sinas at Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Brig. Gen Valeriano de Leon ay dumalaw nitong Martes ng gabi sa burol nina Sonya Gregorio, 52 at Frank Anthony Gregorio, 25.
Kasabay ng pakikiramay ay nagbigay ng pinansyal na tulong ang dalawang opisyal sa pa-milya Gregorio.
Ayon kay Sinas, tinitiyak niya ang mabilis na pag-usad ng kaso laban kay P/Senior Master Sgt. Jonel Nuezca.
Inatasan din nito si De Leon na tiyakin ang seguridad ng naulilang pamilya ng mga biktima habang gumugulong ang paglilitis kay Nuezca.
Tiniyak naman ni De Leon na walang magaganap na whitewash sa kaso.
“The salary forfeiture will be eventually implemented against the accused even if his dismissal case is still on-going,” ani Sinas kung saan inirekomenda rin nito na isailalim sa psychological debrie-fing ang menor-de-edad na anak ni Nuezca na nasaksihan ang krimen.
“A case conference was held to ensure of the factual accuracy and findings of the incident for its immediate resolution and filing of appropriate administrative charges,” ayon naman kay De Leon.
Inihayag pa ni De Leon na bagaman negatibo sa paggamit ng illegal na droga si Nuezca ay lilitisin ito sa dalawang counts ng murder na nakasampa sa Regional Trial Court (RTC) Branch 57 sa bayan ng Paniqui.