Total ban sa paputok pinoporma na ni Duterte
MANILA, Philippines — Inisa-isa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dahilan kung bakit nais na niyang magkaroon ng total ban sa paggamit ng paputok tuwing sumasapit ang Bagong Taon.
Ayon sa Pangulo, kahit pa maraming bata ang nawawalan ng kamay, na-bubulag o kaya ay namamatay dahil sa paputok, hindi ito pinipigilan ng gobyerno kahit pa alam na ang mga posibleng mangyari.
“Alam mo along the way many, many years now, maraming mga bata na Pilipino nawalaan ng kamay, namatay, na nabulag because of firecrackers. And yet we continue this government or the previous government continue to allow the practice of allowing the public to use firecrackers to make the noise during New Year knowing fully well that there will be casualties,” ani Duterte.
Sinabi ni Duterte na bagaman at maganda ang paputok kapag Bagong Taon, pero ang Pilipinas ay isa sa mga bansang pinapayagan at hindi kinokontrol ang paputok.
Kabilang rin aniya sa binabantayan sa telebisyon taun-taon ay kung ilan ang namatay dahil sa paputok.
Ayon pa sa Pangulo, walang nahahabol ang mga mamamayan kapag palpak ang paputok at nakadisgrasya na dahil wala namang nakalagay kung sino ang gumawa.
Ikinumpara rin ni Duterte sa maliit na granada ang mga malalakas na paputok katulad ng goodbye Philippines.
Pinayuhan niya ang mga nasa industriya ng paputok na maghanap na ng ibang pagkakakitaan dahil mahalaga aniyang magawa ng gobyerno ang tungkulin na protektahan ang interes at kalusugan ng publiko.
Nauna rito, inihayag ng Pangulo na posibleng ipatupad na ang ban sa paputok sa susunod na taon.
- Latest