Hustisya sa pinatay na mag-ina tiniyak ng Malacañang
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Malacañang na magkakaroon ng katarungan sa pagpatay sa mag-inang sina Sonya Gregorio, 52, at anak nitong si Anthony Gregorio, 25, na nasawi matapos malapitang barilin ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa Paniqui, Tarlac.
“Kinukondena po natin iyang nangyari diyan sa Tarlac ‘no...No ifs, no buts. Magkakaroon po ng katarungan dahil nakita naman po natin ang ebidensiya noong pangyayari. Hindi po iyan puprotektahan ng Presidente, kinukondena po natin iyan,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nilinaw ni Roque na walang kinalaman sa trabaho ni Nuezca ang ginawa niyang pagbaril sa mag-ina at isa itong double murder.
Hindi rin maaaring gumamit ng anumang depensa si Nuezca na may kinalaman sa kanyang trabaho ang pagpatay.
“So ang pulis pong iyan ay hindi po pupuwedeng mag-invoke ng kahit anong depensa na may kinalaman sa kaniyang katungkulan ang pagpatay na iyan at ito po’y tatratuhin na ordinaryong murder cases ‘no at iimbestigahan, kakasuhan, lilitisin at papaparusahan po natin iyang pulis na iyan,” ani Roque.
Related video:
- Latest