^

Bansa

Sinas pinagbibitiw ng solon 'kung PNP hindi marereporma' matapos ang Tarlac shooting

James Relativo - Philstar.com
Sinas pinagbibitiw ng solon 'kung PNP hindi marereporma' matapos ang Tarlac shooting
Litrato nina PNP chief Debold Sinas (kaliwa) at Police SMSgt. Jonel Nuezca (kanan), na sangkot sa pagbaril sa dalawang 'di armadong kapitbahay sa ulo na nakita sa isang video footage
Screengrab mula sa Facebook page ng PNP; Rosales, Pangasinan Municipal Police Station

MANILA, Philippines — Dapat na raw magbitiw sa pwesto bilang hepe ng kapulisansi Philippine National Police (PNP) P/Gen. Debold Sinas kung hindi madidisiplina ng law enforcement officers ang kanilang hanay, hamon ng isang mambabatas, Lunes.

Linggo kasi ng hapon nang paputukan diretso sa sentido ni Police SMSgt. Jonel Nuezca — isang pulis-Parañaque — ang dalawang kapitbahay sa Paniqui, Tarlac matapos makaalitan sa pampaingay na "boga" at isyu ng "right-of-way," bagay na naging mitsa ng galit ng maraming tao online.

Basahin: Pulis na viral sa pamamaril ng 2 dahil sa 'boga' sumuko; kasong double murder inihahanda

"Failure of leadership is not acceptable. Lives are at risk. The credibility of the police force is in ruins. Reform the PNP or resign," pahayag ni Rep. Pantaleon Alvarez (Davao del Norte) ngayong araw.

"The video footage of a policeman shooting, in cold blood, two unarmed citizens at point blank is both disheartening and alarming. What happened is not acceptable. We rightly condemn it in the strongest possible terms."

Nangyari ang insidente ilang araw matapos sabihin ni Sinas na hindi niya paseselyuhan ang baril ng mga pulis ngayong holiday season sa dahilang "disiplinado" na raw ang PNP.

May kinalaman: Baril ng PNP hindi ite-tape ngayong Pasko, Bagong Taon ngayong 'disiplinado' na raw sila

"[L]et us... demand that command responsibility be implemented in our police force led by PNP Chief Debold Sinas. If the Chief cannot effectively lead PNP and guide its personnel towards serving and protecting the Filipino people, he should not be PNP Chief at all," dagdag pa ni Alvarez.

Saad pa ni Alvarez, na dating speaker ng Kamara, dapat nang tignan ang mismong institusyon ng kapulisan lalo na't "pumapatay ng Pilipino" na raw ang ibinabansag ng ilan sa pakahulugan ng PNP.

Kanina lang nang makitaan ng "probable case" para i-charge ng dalawang bilang ng murder ng Tarlac City prosecutors si Nuezca dahil sa insidente. Inirekomenda nilang huwag payagang makapagpiyansa ang salarin.

'Hindi palulusutin ni Duterte'

Tiniyak naman ng Malacañang na hindi nila kukunsintihin ang ginawa ni Nuezca, ngunit pinaninindigan na "matindi" ang disiplina ng maraming kawani ng PNP.

Ito ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang talumpati matapos sabihin ng PNP na "isolated incident" lang ang nangyari sa Tarlac.

May kinalaman: CHR renews call for probe into arbitrary killings after cop shoots 2 in Tarlac

"Parurusahan po ang pulis na 'yan... No ifs, no buts," ayon kay Roque sa isang media briefing kanina.

"Kinokondena natin yang nangyari sa Tarlac. Hindi po yan service-related na double murder... Ang pulis pong 'yan [ay] 'di pwede mag-invoke ng depensa na may kinalaman sa kanyang tungkulin ang pagpatay na 'yan."

Dahil diyan, hindi raw makaaasa ang naturang pulis na dedepensahan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte para na rin masigurong maibibigay ang hustisiya sa naulilang pamilya.

Ordinaryong krimen daw ito na dapat imbestihahan, litisin at parusahan.

Nobyembre 2017 lang nang sabihin ni Digong na hindi niya hahayaang makulong ang sinumang pulis o sundalo basta't ginagawa lang nila ang trabaho nila.; 'Yan ay kahit idinidikit ng human rights advocated ang mga nabanggit sa extrajudicial killings.

"Do your duty. Do it in accordance with law pero be alert and be wise. Alam mo kaunting pagkamali lang, barilin mo na. Because if you are not — maunahan ka o maalanganin ka, na-leche na," sabi ni Duterte sa isang talumpati nitong ika-3 ng Disyembre, 2020.

"I will assume full legal responsibility. Akin, akin ‘yan. Iyang human rights, ako ang magharap niyan, hindi naman kayo." — may mga ulat mula kina Xave Gregorio, Kristine Joy Patag at The STAR/Alexis Romero

DEBOLD SINAS

HARRY ROQUE

MURDER

PANTALEON ALVAREZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with