Church choir kasama sa ‘singing ban’
MANILA, Philippines — Hindi rin ligtas ang mga choir sa mga simbahan sa panukalang pagbabawal sa pagkanta ng Department of Health (DOH) ngayong Kapaskuhan upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi lamang nakalimita sa mga karaoke o videoke ang pagbabawal sa pagkanta sa pampublikong lugar. Sakop din nito ang mga choir dahil sa banta ng pagtalsik ng ‘droplets’ sa mga katabi o sa sinuman na malapit sa kanila.
“Mayroon pong ebidensiya na kapag tayo ay kumakanta, mas maraming viral particles ang nailalabas sa ating katawan kung tayo ay maysakit,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa online forum kahapon.
“Choir members are not exempted,” dagdag niya.
Makikipag-ugnayan ang DOH sa simbahang Katolika para maipatupad ang panibagong panuntunan kaugnay ng ‘minimum health standards’ lalo na at marami na lalong nagsisimba sa Simbang Gabi.
- Latest