Siling labuyo, P1K kada kilo
MANILA, Philippines — Lalo pang tumaas ang presyo ng siling labuyo sa mga pangunahing pamilihan sa Metro Manila.
Sa price monitoring ng Department of Agriculture, aabot na sa P900 hanggang P950 ang bentahan ng siling labuyo sa Marikina City Public Market.
P900 naman sa Mega QMart sa Edsa, Quezon City, P850 sa San Andres sa Maynila, P900 sa Guadalupe Market sa Makati City, P900 sa Las Piñas City at P800 sa Quinta Market sa Maynila.
Ayon sa DA, ang kakapusan ng suplay ang pangunahing dahilan kung bakit nagmahal ang siling labuyo sa NCR.
Marami umano sa mga nagtatanim ng siling labuyo ay naapektuhan ng magkakasunod na kalamidad lalo na sa Bicol Region kaya’t kumonti ang suplay sa pamilihan sa MM.
- Latest