^

Bansa

DOH: Choir members tuwing Simbahang Gabi 'COVID-19 risks,' dapat mag-mask din

James Relativo - Philstar.com
DOH: Choir members tuwing Simbahang Gabi 'COVID-19 risks,' dapat mag-mask din
Litrato ng mga tao na nagsi-Simbang Gabi sa gitna ng COVID-19 pandemic sa Maynila, ika-16 ng Disyembre, 2020
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Department of Health ang mga taong simbahan sa ilang minimum public health standards na hindi aniya nasusunod tuwing sumasamba ngayong Kapaskuhan — tulad na lang ng mga umaawit sa misa.

Kapansin-pansin daw kasi  ang hindi pagsusuot ng face mask at face shield ng ilang choir members tuwing Simbang Gabi, o 'yung siyam na misa tuwing madaling araw bago mag-Pasko, kahit may ebidensyang malakas makapanghawa ng coronavirus disease (COVID-19) ang pag-awit sa pampublikong lugar.

"Babalik tayo sa ebidensya... na kapag tayo ay kumakanta, mas maraming viral particles ang ating inilalabas sa ating katawan kung sakaling tayo'y may sakit," ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Biyernes.

Kamakailan lang nang ilabas ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) Resolution 88, bagay na nagbabawal sa mga taong lumabas nang bahay nang walang face mask at face shield kontra COVID-19.

Inilalaban din ngayon ng Department of the Interior Government ang tuluyang pagbabawal sa paggamit ng videoke machines ngayong holiday season lalo na't tumataas sa 448% ang itinataas ng viral particle spread ng SARS-CoV-2 — ang virus na nagdudulot ng COVID-19 — sa tuwing kakanta nang malakas.

Basahin: Lalabas ng bahay? Bawal na walang face shield sa ibabaw ng mask, sabi ng IATF

May kinalaman: 'Videoke ban' gusto ng DILG secretary vs COVID-19, kaso DILG spokesperson iba tono

"For the choir members, they are not exempt from these advisories. We would just want to strengthen our coordination with the Catholic Church para kahit naman papaano ay mai-enforce nila 'yung minimum public health standards inside churches," patuloy ni Vergeire.

"Kapag nagbigay tayo ng mga ganitong protocol, hindi natin nililimitahan lang [ang babala] sa karaoke kasi marami pang pagkakataon na maari tayong kumanta sa public places. Especially now na alam natin na ang mga tao ay nasisimba nang mas madalas at mas maraming taong pupunta sa simbahan dahil sa Simbang Gabi."

Pag-awit nang may mask?

Una nang sinabi ng pag-aaral ng Aerosol Science and Technology journal na sinuspindi na ang choir singin sa maraming bansa ngayong COVID-19 pandemic dahil na rin sa "incidental reports" ng disease transmission.

Iniuugnay daw kasi sa "exhaled droplets" ang moda ng paghahawaan ng COVID-19. Dahil dito, napatunayan aniya ng study na malaki ang nagagawa ng pagsusuot ng face mask tuwing kumakanta para mapababa ang risk ng COVID-19 transmission:

"For loud singing with a face mask, the emission rate was 410 (200–1150) particles/s. Hence, a simple face mask reduced the amount of generated aerosol particles from singing to a level similar to normal talking."

Ayon pa sa pag-aaral, napag-alaman nila na mas mataas ang aerosol emissions kapag mas mataas ang tono ng pag-awit: "but this could also be an effect of increased sound pressures achieved at especially high pitches," ayon sa researchers.

"The professional singers in this study generated 2–3 times more aerosol particle mass when singing loud at high E compared to A natural."

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

SIMBANG GABI

SINGING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with