Unang araw ng Simbang Gabi generally peaceful – PNP
MANILA, Philippines — Maayos at payapa ang unang araw ng Simbang Gabi sa buong bansa.
Ito ang naging security assessment ni PNP chief, Gen. Debold Sinas matapos ang monitoring na ginawa sa pagsisimula ng tradisyunal na siyam na araw na Simbang Gabi ng mga Katoliko.
Ayon kay Sinas, mismong ang pamunuan ng mga simbahan at Local Government Units (LGUs) ay nagpapatupad ng mga health protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, physical distancing at 30% lang ng mga church goers ang pinayagan sa loob ng simbahan.
Malaking tulong sa kanila ang kooperasyon ng mga LGUs dahil tradisyon ang Simbang Gabi.
Aniya, inaasahan nila na matatapos ang siyam na araw na Simbang Gabi na mapayapa.
Una nang nakipagpulong si PNP Chief sa pamunuan ng Simbahan ng Quiapo at Baclaran at napag-usapan ang kooperasyon ng simbahan at ng PNP para sa seguridad ng mga dadalo sa Simbang Gabi.
- Latest