Face mask, face shield mandatory paglabas ng bahay
MANILA, Philippines — Mandatory na ang pagsusuot ng face mask at face shield sa lahat ng mga pampublikong lugar sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na ito ang napagkasunduan na bagong polisiya ng Inter-Agency Task Force (IATF) upang maibsan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Kung dati ay sa mga estabilisimyento o sa mga mall lang ang pagtatakda sa pagsusuot ng face shield, ngayon ay maging sa mga pampublikomg lugar na rin.
Nilinaw din ni Roque na ang pinapayagan lamang na takip sa mukha ay full face shield na ang ibig sabihin ay mula sa noo hanggang sa baba ng mukha ng isang tao.
Sa ganitong paraan umano ay mabibigyan ng dagdag proteksyon ang publiko para makaiwas sa COVID lalo na ngayong holiday season.
Umapela rin sa publiko ang pamahalaan na iwasan muna hindi lamang ang matataong lugar at mga enclosed areas, kundi maging ang pagsali o pagsasagawa ng social gathering ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Related video:
- Latest