^

Bansa

Baril ng mga pulis hindi na paplasteran

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Baril ng mga pulis hindi na paplasteran
Ang pagpla-plaster ng dulo ng mga baril ay tradisyunal na ginagawa ng mga pulis upang matiyak na hindi ito papuputukin sa New Year.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Hindi na paplasteran ng PNP ang dulo ng mga baril ng 205,000 pulis kaugnay ng pagsalubong sa Kapaskuhan at Bagong Taon.

Ang pagpla-plaster ng dulo ng mga baril ay tradisyunal na ginagawa ng mga pulis upang matiyak na hindi ito papuputukin sa New Year.

Naniniwala si PNP Chief Gen. Debold Sinas na disiplinado na ang mga pulis at tatalima ang mga ito sa direktiba ng PNP na huwag gamitin ang mga armas sa pagsalubong sa Bagong Taon dahil delikadong may mga inosenteng sibilyan na tamaan ng ligaw na bala.

Binigyang diin pa ni Sinas na ang pagpla-plaster ng dulo ng baril ng mga pulis ay makakasagabal lamang sa police operations.

“There are times when you would respond to an incident and you just remembered that your gun is muzzled. You become hesitant and it hampers quick response. We will not do gun taping anymore,” ayon pa kay Sinas.

Magugunita na ang tradisyunal na pagpa-plaster ng dulo ng mga pulis ay unang sinimulan ni dating PNP Chief at ngayon ay Sen. Ronald “Bato’ dela Rosa noong 2016.

Kaugnay nito, pinag-aaralan na rin ng PNP ang pagbibigay ng holiday break sa mga personnel nito at kung mapagkasunduan ay dapat rotation o palitan ng iskedyul.

Sa kabila nito binalaan ni Sinas ang mga pulis na masasangkot sa indiscriminate firing na masisibak sa tungkulin o depende sa bigat ng pagkakasala ang ipapataw na parusa.

BARIL

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad