Lalabas ng bahay? Bawal na walang face shield sa ibabaw ng mask, sabi ng IATF
MANILA, Philippines — Ioobliga na ang lahat ng tao sa Pilipinas na magsuot ng parehong face shield at face mask bilang proteksyon laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa tuwing lalabas ng kabahayan, pagkukumpirma ng Malacañang ngayong Martes.
Dati kasi ay sa mga malls, pampublikong transportasyon at enclosed spaces gaya ng restaurants lang nire-require ang pagsusuot ng face shields. Pero magbabago na 'yan alinsunod sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) Resolution 88:
"All persons are mandated to wear full-coveragfe face shields together with face masks,m earloop masks, indigenous, reusable or do-it-yourself masks, or other facial protective equipment which can effectively lessen the transmission of COVId-19, whenever they go out of their residences, pursuant to existing guidelines issues by the national government..."
Dagdag pa ng kautusan, papatawan ng "patas at makataong parusa" ang mga hindi susunod dito, bagay na ipapataw at ipatutupad ng mga local government units (LGUs) at law enforcement agencies.
"Dahil malapit na po ang Pasko at Bagong Taon, alam naman natin na dadami ang mga tao na lalabas para mabawasan ang panganib na dala ng hawaan ng mga tao," ani presidential spokesperson Harry Roque sa isang press briefing.
"Nire-require na ng inyong IATF ang pagsusuot hindi lang po ng face shields [kundi pati ang] face masks."
Aniya, kailangang "full face shield" at hindi basta mala-goggles na face shield ang dapat na isuot para maging epektibo laban sa COVID-19, bagay na dumadapo na sa 450,733 katao sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 8,757 na ang patay, ayon sa Department of Health (DOH), Lunes.
Una nang sinabi ng DOH na possible ang "surge" o biglaang pagsirit sa mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong holiday season, bagay na gustong apulahin aniya ng national government.
"So it's an additional protection para maiwasan po ang surge. Lahat naman po ito hindi naman ire-require kung hindi makabubuti sa ating kalusugan," dagdag pa ni Roque.
Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may "additive effect" ang sabayang pagsusuot ng face shields at face masks, bagay na labis nagpapataas sa proteksyon laban sa SARS-CoV-2 na nagsasanhi ng COVID-19.
Sinasabing 67% lang ang proteksyong ibinibigay ng face masks, habang kakaonting porsyento lang daw ng proteksyon ang ibinibigay ng face shield.
"Kapag ginamit niyo po 'yung mask at tsaka 'yung face shield, it gives you 93% protection. Kapag kayo po ay naka-mask with physical distancing, it gives you 94% protection. Kapag kayo ay naka-mask, naka-face shield at meron kayong distancing, it gives you 99% protection," ani Vergeire.
May kaugnayan: DOH: TV hosts na face shield lang suot 'mababa COVID-19 protection,' mag-mask din
Una nang napag-alaman ng kinomisyong survey ng Palasyo na mahigit 90% ang antas ng pagsunod ng mga Pilipino sa health protocols ngayong may pandemya.
Labas pa 'yan sa lumabas na study ng University College London na nagssasabing 92% ng mga Pilipino ang sumusunod pagdating sa kautusang magsuot ng face masks laban sa COVID-19.
Related video:
- Latest