^

Bansa

Baril ng PNP hindi ite-tape ngayong Pasko, Bagong Taon ngayong 'disiplinado' na raw sila

Philstar.com
Baril ng PNP hindi ite-tape ngayong Pasko, Bagong Taon ngayong 'disiplinado' na raw sila
Hawak-hawak ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) ang kani-kanilang mga baril na sinelyuhan para hindi makapagpaputok bilang paingay tuwing Kapaskuhan at Bagong Taon
The STAR/undated file photo

MANILA, Philippines — Gaya ng ginawa ng Philippine National Police (PNP) noong nakaraang taon, hindi seselyuhan ang baril ng mga pulis kahit na nalalapit na ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon — panahon kung kailan nauuso ang pagpapaputok para magpaingay.

Dati kasi ay nilalagyan ng tape ng pamunuan ng PNP ang baril ng kanilang mga opisyales upang maiwasang makadisgrasya gamit tuwing Christmas at New Year sa pamamagitan ng ligaw na bala.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP chief P/Gen. Debold Sinas na makakapagpaputok pa rin ang mga pulis ng baril kung gugustuhin talaga nila, selyuhan man ang baril o hindi.

"I'm sure we will prove it na maski may tape ka, kung gusto mo [bumaril] gagawin mo," ani Sinas ngayong Lunes.

"Secondly, sometimes it helps us. 'Yung quick response. Kasi nga, may time na magre-respond ka [sa insidente tapos] nakalimutan mo na mayroon palang tape 'yung baril mo. So maghe-[hesitate] ka."

Pagtitiyak ni Sinas — na dati nang nadawit sa isyu ng "mañanita" sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) lockdown — walang dapat ipagkabahala lalo na't hindi naman na raw pasaway ang kapulisan sa ngayon.

MAY KINALAMAN: 'Mahiya kayo': Pagdepensa ng PNP sa ECQ bday bash ng NCRPO chief kinastigo

"This time, I think majority of all of the policemen were already informed and they have the proper training and discipline," dagdag pa niya.

"So pwede nang hindi na po maglagay po niyang [tape]."

Nitong ika-7 ng Disyembre lang nang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang gawang "seryosong paglabag" sa panuntunan ng gobyerno ang pagpapaputok ng baril tuwing holiday season.

Aniya, pahihirapan niya nang husto ang mga pulis, militar o sibilyan na magpapaputok makapagpaingay lang ngayong holiday, bagay na maaaring makapatay o makasugat dahil sa ligaw na bala.

BASAHIN: Duterte wants firing of guns during holidays a serious crime

"Ito iyong mga walang hiya na walang utak. Bakit nagkaroon ng baril," sabi niya sa isang talumpati sa telebisyon.

"I don't know yet what I will do. I will think about it... I will make it (indiscriminate firing) a very serious offense... I’ll go to Congress." — James Relativo at may mga ulat mula kay News5/Lyn Olavario

CHRISTMAS

DEBOLD SINAS

GUN

NEW YEAR

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with