^

Bansa

DOH: Hinay-hinay sa alak, bisa ng COVID-19 vaccine posibleng bumaba

James Relativo - Philstar.com
DOH: Hinay-hinay sa alak, bisa ng COVID-19 vaccine posibleng bumaba
Litrato ng mga taong nagkakasiyahan at nag-iinuman ng alak
AFP/Hoang Dinh Nam,File

MANILA, Philippines — Manginginom ka ba? Iwas-iwasan daw muna ito ayon sa Department of Health (DOH) lalo na't maaari raw itong makaapekto sa bisa ng mga paparating na bakuna laban sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Biyernes, matapos magbabala ang isang Russian health official na huwag uminom ng alak dalawang linggo bago maturukan ng Sputnik V vaccine at 42 araw matapos mabigyan nito.

"These are just precautionary measures. We all know that when you drink alcohol, especially when you drink it too much, bumababa po ang immunity natin," ani Vergeire sa mga reporters.

"And when you receive a vaccine, para mag-work maigi sa inyo ang bakuna, kailangan robust ang system mo."

Aniya, kinakailangan daw kasing maayos ang resistensya ng katawan para makabuo ng mahusay na antibodies laban sa sakit gamit ang isang bakuna.

Wala pa rin daw kasiguruhan sa ngayon dulot ng pandemya at SARS-CoV-2 — ang virus na nagdudulot ng COVID-19 — kaya naglalatag ang ilang health officials ng ganitong mga pag-iingat.

"I think this is not something bad, and I think people should heed this call, para lang po mas magkaroon ng mas magandang epekto ang ating bakuna. Iwasan lang po natin 'yung mga nakakasama sa ating katawan," dagdag pa ni Vergeire.

Agosto 2020 nang sabihin ni Russian President Vladimir Putin na na-develop ng kanilang bansa ang "pinakaunang" bakuna laban sa virus na siyang pumatay na sa milyun-milyong tao sa buong mundo.

Nitong Nobyembre, matatandaang sinabi ng developers ng Sputnik V vaccine na 95% effective ang nasabing gamot na ibibigay sa pamamagitan ng dalawang dosage.

Basahin: Russia has developed 'first' coronavirus vaccine — Putin

May kinalaman: Russia says Sputnik V virus vaccine 95% effective

Isa lang ang Sputnik V sa sari-saring bakuna na sumasailalim ngayon sa mga pagsusuri sa bawat panig ng daigdig upang masawata ang lalong pagkalat ng sakit.

Sa huling ulat ng DOH, umabot na sa 445,540 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, bagay na kumitil na sa buhay ng 8,701 katao nitong Huwebes.

COVID-19 VACCINE

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with