MANILA, Philippines — Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagkakaraoke sa mga pampublikong lugar pero maaaring payagan ito sa loob lamang ng tahanan, ayon sa Department of Interior and Local Government.
Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na maaari naman ang karaoke kung sa loob lamang ng taha-nan o bakuran pero hindi maaring mag-imbita ng kapitbahay.
“Sa tingin po namin wala naman pong masama kung kayo ay kumanta sa loob ng inyong bahay. Ngunit kung kayo po ay nasa labas ng inyong bakuran or kahit nasa loob ka ng inyong bakuran ngunit nang-iimbita ka ng mga kapitbahay na pumunta sa inyong bahay, then that becomes a public exercise of karaoke,” ani Malaya.
Sa tingin niya ay walang masama kung dalawa o tatlong tao ang magka-karaoke sa loob ng kanilang tahanan.
Ang iniiwasan ay ang magkaroon ng community transmission dahil bahagi na ng Pasko ang kantahan lalo na sa komunidad o barangay.
Ipinunto ni Malaya ang sinabi ng Department of Health na base sa pag-aaral tumataas ng 449% ang “viral particle spread” sa malakas na pagkanta.